ni Mylene Alfonso | May 22, 2023
Hindi nakadalo si Vice President Sara Duterte sa commencement exercise ng “Mandirigmang may Dangal, Simbolo ng Galing at Pagbangon,” o MADASIGON Class of 2023 ng Philippine Military Academy sa Fort del Pilar sa Baguio City.
Si VP Sara sana ang mag-aabot ng Vice Presidential Saber para sa Rank 2 ng PMA Madasigon Class of 2023.
Si Defense Undersecretary Carlito Galvez na ang nag-abot sa Vice Presidential Saber kay Cadet 1CL Edmundo Logronio.
Hindi naman naglabas ng pahayag ang Office of the Vice President kaugnay sa attendance ni VP Sara sa PMA.
Matatandaan na si Duterte ay honorary member ng Philippine Military Academy Bagong Anyo ng Buhay (Banyuhay) Class of 2002.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi naman ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., na nakiisa sa seremonya ang ilang hakbang ng administrasyon para sa mga Pilipinong sundalo, katulad ng pagsulong sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas at sa social
protection para sa mga unipormadong lingkod, at pag-amyenda sa Republic Act No.
11709 sa propesyonalisasyon at merit system ng kasundaluhan.
Nanawagan din ang Pangulo sa mga nagtapos na panatilihin ang mga katangian ng tapang, integridad, at pagkamakabayan sa militar upang matiyak ang seguridad at kapayapaan sa bansa.
Comments