top of page
Search
BULGAR

VP Sara, nasa Cambodia para sa SEAMEO duty

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 21, 2024




Lumipad patungong Cambodia ang Bise Presidente at Education Sec. na si Sara Duterte upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).


Dumating si Duterte sa Phnom Penh nu'ng Miyerkules ng gabi.


Inaasahang bilang nangunguna ang Bise Presidente sa nasabing event ay magbibigay ito ng mga paraan kung paano makatutulong ang SEAMEO sa sektor ng edukasyon sa Cambodia.


Magbibigay si Duterte ngayong Huwebes ng kanyang paggalang sa Cambodian Deputy Prime Minister at sa Minister of Education, Youth and Sport, na siyang kanyang counterpart bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).


Plano rin nitong bisitahin ang SEAMEO Regional Centre for Technical Education Development, pati na rin ang ilang paaralan sa Cambodia.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page