top of page

VP Sara, nanawagan na huwag iboto mga kandidato ni PBBM sa pagka-senador

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 26, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SINO ANG MAS EPEKTIBONG ENDORSER NG MGA PULITIKO, SI VP SARA O SI FORMER VP LENI? -- Matapos iendorso ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ang kandidatura sa pagka-senador nina Sen. Imee Marcos at Las Piñas City Rep. Camille Villar ay inendorso naman ni former Vice Pres. Leni Robredo ang kandidatura rin sa pagka-senador nina former Sen. Manny Pacquiao at former Dept. of the Interior and Local Gov’t. (DILG) Sec. Benhur Abalos.


After May 12, 2025 election ay diyan malalaman ng publiko kung sino kina VP Sara at former VP Leni ang epektibong endorser ng mga kandidato sa pagka-senador, na ibig sabihin kapag nagwagi sina Sen. Imee at Cong. Camille ay lalabas na epektibong endorser ang kasalukuyang VP, at kung sina Pacquiao at Abalos naman ang magwawagi ay lalabas na epektibong endorser ang dating VP, abangan!


XXX


IMBES PAPURI, BINATIKOS NG KMP ANG MARCOS ADMIN SA P20/KILO NG BIGAS DAHIL PANG-POLITICAL  GIMIK LANG DAW -- Imbes papuri sa P20 per kilo ng bigas na ipinabebenta ng Dept. of Agriculture (DA) sa Visayas region, ay binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang Marcos administration.


Ayon kasi sa KMP, pampulitikang gimik lang ito ng Marcos admin para iboto ng mamamayan ang mga kandidato ni Pres. Bongbong Marcos sa pagka-senador, boom!


XXX


MALAMANG KINABAHAN NA ANG MGA SENATORIABLE NG MARCOS ADMIN SA PANAWAGAN NI VP SARA NA HUWAG IBOTO ANG MGA KANDIDATO NI PBBM SA PAGKA-SENADOR -- Pormal nang nanawagan si VP Sara sa mamamayan na huwag iboto ang mga kandidato sa pagka-senador na iniendorso ni PBBM.


Hindi man aminin ay tiyak kakaba-kaba na ang mga kandidato ng Marcos admin sa pagka-senador kasi nga sa latest survey ng Pulse Asia, ay mas pinagkakatiwalaan ng publiko si VP Sara kaysa PBBM, period! 


XXX


NBI, DESIDIDONG IPAKULONG ANG MGA FAKE NEWS VLOGGERS -- Sampung fake news vloggers na ang sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng mga patung-patong na kaso.


Patunay iyan na desidido ang NBI na ipakulong ang mga fake news vloggers sa ‘Pinas, boom!



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page