top of page
Search
BULGAR

VP Sara, nadulas ang dila, buking na nakalabas na ng ‘Pinas si Roque

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov. 26, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SI SEN. BONG GO LANG ANG NAKAISIP NA MAGPAGAWA NG PASILIDAD NA PAHINGAHAN NG MGA KAMAG-ANAK AT GUARDIANS NG MGA PASYENTE SA OSPITAL -- Hindi lang sa mga mahihirap na may sakit may malasakit si Sen. Bong Go kung kaya’t ginawa niya ang batas na Malasakit Center Act, kundi pati sa mga kapamilya o guardians ng mga pasyenteng nagbabantay sa kanila.


Ang tinutukoy natin ay ang ipinagawa ni Sen. Bong Go na “Balay-Pahulayan 1” sa roof deck ng Southern Philippines Medical Center sa Davao Region para maging pahingahan o matuluyang pasilidad ng mga kapamilya o guardians ng mga pasyente habang nasa ospital pa ang mga kamag-anak nilang may sakit.


Muli, sa mga naging senador ay tanging si Sen. Bong Go lang ang nakaisip niyan at asahang matutulad iyan sa Malasakit Center na ang kada public hospitals ay malalagyan din ng pasilidad na pahingahan ng mga kamag-anak ng mga pasyenteng nasa ospital, palakpakan naman diyan!


XXX


POWERFUL PA RIN SI VP SARA DAHIL SA KANYA KAYA NABIGO ANG KAMARA NA IPAKULONG SI ZULEIKA LOPEZ SA CORRECTIONAL INSTITUTION FOR WOMEN -- Sa nakalipas na magkasunod na araw ng Sabado (Nov. 23) at Linggo (Nov. 24) ay nakita ng publiko na kahit hindi na presidente si ex-P-Duterte ay powerful pa rin sa bansa si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.


Nang magpasya kasi ang House Committee on Good Government and Public Accountability na mula sa House detention cell ay ilipat na ikulong sa Correctional Institution for Women ang na-contempt na si Zuleika Lopez, chief of staff ng Office of the Vice President (OVP), ay “to the rescue” si VP Sara.


Sa maikling salita, hindi nagawa ng House Sergeant-at-Arms ang kagustuhan ng Kamara na ikulong si Lopez sa Correctional Institution for Women, kasi ang nasunod ay ang kagustuhan ni VP Sara na sa ospital dalhin at manatili ang kanyang chief of staff, period!


XXX


TAMA ANG HINALA NI VP SARA NA IPAPA-IMPEACH SIYA -- Nais ni ACT-Teacher Partylist Rep. France Castro na sampahan na ng kasong impeachment sa Kamara si VP Sara sa isyu ng katiwalian sa confidential funds at pagbabanta sa buhay nina Pres. Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez.


Kung ganu’n, tama pala ang sinabi ni VP Sara na may plano talaga ang Kamara na i-impeach para patalsikin siya bilang bise presidente ng bansa, boom!


XXX


VP SARA NADULAS ANG DILA, NALAMAN TULOY NAKALABAS NA NG ‘PINAS SI HARRY ROQUE -- Nadulas ang dila ni VP Sara nang sabihin niyang ayaw daw sana ni former presidential spokesman Harry Roque na lumabas ng bansa dahil ayaw nitong iwan ang kanyang mga anak, at dahil sa panggigipit ng Kamara ay naobliga raw itong umalis ng ‘Pinas.


Dahil sa sinabing iyan ni VP Sara ay mapapadali na ang paghuli ng mga otoridad kay Roque, kasi siguradong masasakote na siya sa tulong ng mga otoridad sa bansang kanyang kinaroroonan, period!




Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page