ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov. 28, 2024
MATIKAS SI VP SARA DAHIL KAHIT BABAE AT ALAM NA HINDI SIYA MAGKAKAROON NG PATAS NA TRATO, HAHARAPIN PA RIN ANG MGA ALEGASYON -- Sinabi ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na handa niyang harapin ang lahat ng alegasyon sa kanya, pero hindi raw siya umaasang magkakaroon ng patas na trato mula sa Marcos administration.
Ganyan pala talaga katikas ang mga Duterte kasi kahit isa siyang babae at hindi umaasang magkakaroon ng patas na trato ay haharapin pa rin niya ang mga alegasyon ng Marcos admin laban sa kanya, period!
XXX
IPINAKITA NI SEN. IMEE SA PUBLIKO NA TUNAY SIYANG KAIBIGAN NI VP SARA -- Habang naka-confine sa Veterans Memorial Medical Center si Atty. Zuleika Lopez, ang chief of staff ng Office of the Vice President (OVP) na kinontempt at ipinakulong ng House Committee on Good Government and Public Accountability ay dinalaw ito ni Sen. Imee Marcos bilang pagpapakita ng suporta kay VP Sara.
At sa social media ay ikinatuwa ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) ang ginawang ito ni Sen. Imee kasi ipinakita niya sa publiko na tunay siyang kaibigan ni VP Sara, palakpakan naman diyan!
XXX
LUNDAGAN SA TUWA ANG MGA BUWAYA DAHIL APRUB NA NG SENADO ANG P6.352 TRILLION -- Inaprub na ng Senado ang panukalang batas na P6.352 trillion national budget.
Dahil aprubado na, hindi man aminin ay tiyak naglulundag sa tuwa ang mga ‘buwaya’ sa Marcos administration, boom!
XXX
DAPAT NANG MAG-RESIGN SI DA SEC. LAUREL -- Magpa-Pasko na pero hanggang ngayon ay hindi magawa ng Dept. of Agriculture (DA) na pababain ang presyo ng per kilo ng bigas.
Nang italaga noon ni PBBM si businessman Francisco Tiu Laurel bilang DA secretary ay nangako ito na pabababain ang presyo ng bigas pero hanggang ngayon ay hindi niya magawang maging mura ang kilo ng bigas.
Dahil bigo siya sa promise na pababain ang presyo ng bigas, dapat mag-resign na si Laurel sa kanyang puwesto bilang DA secretary, period!
Commentaires