ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 11, 2024
VP SARA, JOIN NA RIN SA PAG-ATAKE SA ISYUNG COCAINE SA MARCOS ADMIN -- Umatake na naman si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sa Marcos administration, at ito ang latest na litanya niya, “Leaders should not be motivated by cash, cocaine and champagne.”
Ito ang unang pagkakataon na naki-join si VP Sara sa isyung cocaine sa Marcos admin.
Kaya ang tanong: Sino kaya ang pinatutungkulan ni VP Sara sa isyung cocaine na kabilang sa kanyang sinabi laban sa Marcos admin? Boom!
XXX
MARCOS LOYALIST SI GADON AT HINDI DDS, KAYA ALAM NA NI VP SARA NA ‘DI SIYA IBOBOTO O IKAKAMPANYA NITO SA 2028 ELECTION -- Nang umpisahan ni VP Sara ang mga pag-atake sa iba’t ibang isyu laban sa Marcos admin, sinabi ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon na hindi na raw niya ito iboboto sa pagka-presidente sa 2028 election.
Sa totoo lang, kahit hindi sabihin ‘yan ni Gadon ay alam naman ni VP Sara na hindi talaga siya nito (Gadon) iboboto o ikakampanya kasi nga Marcos loyalist talaga ito at hindi DDS (Duterte Diehard Supporters), period!
XXX
EX-P-DUTERTE, TARGET SA SANIB-PUWERSA NG 3 KOMITE NA MAG-IIMBESTIGA SA ILLEGAL POGO, DROGA AT EJK SA ‘PINAS -- Tatlong komite sa Kongreso ang nagsanib-puwersa para imbestigahan ang illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), illegal drugs at extrajudicial killings (EJK) sa bansa.
Sa panahon ni ex-P-Duterte nag-umpisa ang POGO, ang friend ng ex-president na si Michael Yang ay iniuugnay sa illegal drugs at ang EJK ay naganap sa panahon ng Duterte admin.
Dahil diyan ay hindi na dapat pang i-memorize na ang target ng imbestigasyong ito ng Kongreso ay walang iba kundi si ex-P-Duterte, period!
XXX
COMELEC CHAIRMAN, ISINASANGKOT NA SA ANOMALYA, NEVER MAGRE-RESIGN -- Sa kabila na nasasangkot ngayon si Comelec Chairman George Garcia sa anomalya sa komisyon, sinabi niyang never daw siyang magre-resign sa puwesto dahil mga paninirang-puri lang daw ang mga alegasyon sa kanya.
Sa ibang bansa, kapag ang opisyal ng kanilang pamahalaan ay nasangkot sa anomaly, agad nagre-resign sa puwesto, pero iba sa ‘Pinas, kasi dito walang ‘delicadeza’, pakapalan ng mukha ang mga gov’t. official na nasasangkot sa katiwalian, boom!
Comments