top of page
Search
BULGAR

VP Sara, hindi dadalo sa ikalawang budget hearing ng Kamara

Ni Eli San Miguel @News | Sep. 25, 2024



Michelle Dee IG

Ipinabatid ni Bise-Presidente Sara Duterte sa Kamara na hindi siya dadalo sa mga susunod na imbestigasyon kadikit ng maling paggamit ng budget ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kanyang pamamahala.


Bagama’t dumalo si Duterte sa unang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability nu'ng nakaraang linggo, sinabi ni Duterte na liliban na siya sa mga susunod pang pagdinig ng komite.


Binatikos din ni Duterte ang House of Representatives (HOR) dahil sa sinasabing maling paggamit ng kanilang karapatan na magsagawa ng mga imbestigasyon.


Magugunitang humarap si VP Sara sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability nu'ng nakaraang linggo at sinabing ang mga pagdinig ng komite ay isang pampulitikang atake.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page