top of page
Search
BULGAR

VP Sara, ‘di nagbigay ng dahilan sa resignation — PBBM

ni Eli San Miguel @News | June 27, 2024



News

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi nagbigay ng detalye si Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang mga dahilan sa pagbibitiw sa kanyang posisyon sa Gabinete.


"She didn’t give any reasons," ani Marcos sa isang ambush interview sa sidelines ng National Employment Summit sa Manila Hotel nitong Huwebes.


"I asked her, are there any particular reasons why she has chosen to resign from the Department of Education and the NTF-ELCAC, and she said ‘Wag na lang natin pag-usapan’ so I did not force the issue," dagdag ni Marcos.


Sa isang panayam noong Hunyo 25, hindi rin nagbigay ng paliwanag si Duterte tungkol sa kanyang mga dahilan sa pagbibitiw.


Inihayag rin niya na sa kabila ng kanyang pagbibitiw sa Gabinete, naniniwala siyang nananatili silang magkaibigan ng Pangulo.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page