ni Angela Fernando @News | July 11, 2024
Nagpahayag si Bise-Presidente Sara Duterte nitong Huwebes na hindi siya dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Ito ang magiging unang pagkakataon na hindi makakapunta si Duterte sa SONA ni Marcos. Saad ni Duterte, ina-appoint niya ang kanyang sarili bilang “designated survivor.”
Matatandaang sina Duterte at Marcos ay magkasamang tumakbo sa ilalim ng partidong UniTeam.
Comentarios