top of page
Search
BULGAR

VP Sara, dapat ihanda ang sarili sa impeachment, PBBM ‘di seryoso sa panawagan

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Dec. 3, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MAGIGISA SI VP SARA SA NBI PROBE DAHIL MAS MAHUSAY AT MALALIM ITONG MAG-IMBESTIGA KAYSA QUADCOMM -- Tinabla ni National Bureau of Investigation (NBI) ang hiling ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na padalhan siya ng listahan ng mga itatanong sa kanya ng ahensya kaugnay sa imbestigasyon sa  “assassination” remark ng bise presidente kina Pres. Bongbong Marcos (PBBM), First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez kasi ayon sa NBI chief ay hindi nila ginagawa ang ganu’n na magpadala ng advance question sa mga taong kanilang iimbestigahan.


Dahil diyan ay asahan na ni VP Sara na “magigisa” siya nang husto sa mga katanungan ng mga NBI investigator kasi sa totoo lang, mas mahusay at mas malalim magsagawa ng imbestigasyon ang NBI kaysa Quad Committee ng Kamara na “gumigisa” sa mga opisyal ng Office of the Vice President (OVP) sa isyung confidential scam, boom!


XXX


PBBM ‘DI SERYOSO SA PANAWAGANG HUWAG I-IMPEACH -- Maituturing na hindi seryoso si PBBM sa panawagan niya sa House of Representatives na huwag i-impeach si VP Sara kasi kung seryoso dapat ay nangako ang mga kongresista na susundin ang utos ng Pangulo, at sa halip ang sabi ni Deputy Floor Leader, La Union Rep. Paolo Ortega V na kapag may nagsampa ng impeachment case laban sa bise presidente ay tatanggapin ito ng Kamara.


Dahil diyan ay dapat ihanda na ni VP Sara ang kakaharapin niyang impeachment case sa Kamara, period!


XXX


DIREKTIBANG POLICE VISIBILITY NI GEN. ABERIN, NAGPAPABABA NG CRIME RATE SA NCR -- Sa pag-upo ni Brig. Gen. Anthony Aberin bilang director ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) noong Nov. 22, 2024 ay agad ipinag-utos nito Manila Police District, Quezon City Police District, Northern Police District, Southern Police District at Eastern Police District ang police visibility sa mga strategic areas sa Metro Manila, at dahil diyan, sa loob lang ng halos isang linggo, mula Nov. 24 hanggang Nov. 30, 2024 ay bumaba ng 17.52 % ang crime rate sa National Capital Region (NCR).

‘Yan palang direktibang police visibility ni Gen. Aberin ang solusyon para bumaba ang crime rate sa Metro Manila, palakpakan naman diyan!


XXX


PARA MATUPAD ANG NAIS NI PBBM NA LABANAN ANG KAHIRAPAN AT KAGUTUMAN, SIBAKIN NIYA SI GADON -- Sa nakaraang selebrasyon ng “Bonifacio Day” noong Nov. 30, 2024 ay isa sa gagawin ng Marcos administrasyon ay labanan ang kahirapan at kagutuman.


Magkakaroon lang ng katuparan ang sinabing iyan ni PBBM kung sisibakin niya si Sec. Larry Gadon bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) kasi ang inaatupag nito ay atakehin si VP Sara at hindi solusyunan na maiahon sa kahirapan at kagutuman ang mga maralitang Pinoy, period!

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page