ni Angela Fernando - Trainee @News | November 9, 2023
Binitiwan na ni Bise Presidente Sara Duterte ang P500-milyong confidential funds na kanyang hiniling para sa taong 2024, pahayag ni Sen. Sonny Angara.
Nakatanggap ng pahayag mula sa VP si Angara kung saan hihiling na lang ng badyet ang Office of the Vice President upang suportahan ang implementasyon ng kanilang mga programa at proyektong nakahanda sa susunod na taon.
Aniya, hindi na nila itutuloy ang paghingi sa CIF upang maiwasan ang usapin at hidwaan ukol dito dahil bilang VP, nanumpa itong poproteksyunan ang pagkakaisa at haligi ng bansa.
Comments