top of page
Search
BULGAR

VP Leni sinuspinde ang kanyang COVID-19 response programs

ni Jasmin Joy Evangelista | February 6, 2022



Sinuspinde ni Vice President Leni Robredo ang mga COVID-19 response programs ng kanyang opisina habang naghihintay ng desisyon mula sa Commission on Elections (Comelec) hinggil sa kanyang request na payagang magpatuloy ang mga nasabing programa kahit panahon ng kampanyahan.


Matatandaang nag-request si Robredo sa Comelec kung puwedeng ma-exempt sa election ban ang kanyang COVID-19 response programs kung saan magsisimula na sa Pebrero 8 ang campaign period.


Kabilang sa mga programang isinasagawa ng Office of the Vice President ay:


- Bayanihan E-konsulta

- Vaccine express

- Swab Cab

- Medical assistance program


“Ngayon sinuspend natin dahil naghihintay tayo ng desisyon ng Comelec du’n sa exemption na hinihingi natin. Nagkaroon kami ng hearing last week. Ako mismo ‘yung nag-attend,” ani Robredo sa kanyang BISErbisyong LENI program sa DZXL ngayong Linggo.


“Humihingi kami ng exemption dito kasi kahit bumaba na ‘yung kaso ay nakita namin kung ano ‘yung number ng humihingi ng tulong sa ‘min everyday. Kapag hininto kasi ‘to, ‘yung iba, walang mapupuntahan. So, hopefully mabigay ‘yung exemption para maka-resume na tayo,” paliwanag niya.


Nangako naman ang bise presidente na hindi siya bibisita sa kanyang COVID-19 response activities sakaling i-grant ng Comelec ang kanyang request.


“’Pag nabigyan kami ng exemption, hindi ko na pupuntahan. Kasi ngayon ‘pag mayroon, pinupuntahan ko kasi ‘yun ‘yung pasalamat ko sa volunteers,” aniya.


“In fact, nag-redesign kami ng itsura ng mga logo para hindi siya ma-identify sa akin,” sabi pa ni Robredo.


Nauna nang nangako si VP Leni na siya ay laging “on top of everything” pagdating sa COVID-19 response ng gobyerno sakaling maluklok na pangulo ng bansa.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page