ni Thea Janica Teh | August 30, 2020
Sa inilabas na address ni Vice-President Leni Robredo tungkol sa responde sa COVID-19, sinabi nitong ito lamang ay isang suggestion dahil sa kakulangan ng gobyerno sa problemang ito.
Aniya, kaya ito nagbigay ng suggestion dahil ang unang maaapektuhan sa paglubog ng pamahalaan ay ang mga mamamayang mahihirap at ito ang kinatatakutan ng lahat. Sama-sama aniyang lulubog ang bansa kung hindi marerespondehan agad ang problemang ito.
Dinepensahan naman ni VP Leni na hindi ito laban sa pamahalaan kundi ito ay para makatulong sa krisis pangkalusugan na nararanasan ng buong bansa.
Ito rin umano ay humingi ng rekomendasyon at konsultasyon sa mga health expert, economist, data analyst at educator bago ito magsalita at magbigay ng suhestiyon.
Naglabas ng public address si VP-Leni upang sabihin ang kaniyang proposal at report patungkol sa COVID-19. Kinuwestiyon niya rin rito ang ilang gawain ng pamahalaan sa pagsosolusyon ng krisis pangkalusugan at ito umano ay hindi sapat. Nagsalita rin umano ito dahil nakita niyang mali pa rin ang ginagawa ng pamahalaan simula pa noong Marso.
Binanggit niya rin dito na isa na ang Pilipinas sa pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia countries.
Dagdag ni Robredo, limang buwan na, hindi aniya puwedeng nakikita natin ang kakulangan ng wala tayong sasabihin.
Kommentare