top of page
Search
BULGAR

VP Leni sa campaign rally sa Pasig: Ito ba ‘yung sinasabi nilang hakot crowd?

ni Jasmin Joy Evangelista | March 21, 2022



Pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo ang isyu hinggil sa umano’y panghahakot ng mga dadalo sa kanyang campaign rally nitong Linggo kung saan ginanap ang kanyang posibleng most well-attended political rally sa Metro Manila.


Ayon sa organizers, sinabi ng Pasig PNP na nasa 90,000 ang posibleng dumalo sa rally sa Emerald Avenue.


Ang mga supporters ni Robredo ay nagtipon mula Julia Vargas hanggang Ortigas Avenue.


Ang rally na tinawag na “PasigLaban Para sa Tropa Pasig City People"s Rally", ay ang posibleng biggest crowd ni Robredo mula nang magsimula ang campaign period.


“Ito po ba 'yung sinasabi nilang hakot lang? Kayo ba yung tinatawag nilang bayaran? Malinaw na malinaw naman na hindi kayo bayad," ani Robredo sa mga dumalo.


Batay sa mga video at larawan na naka-post sa social media, makikita na nagsimulang dumating ang mga taong nakasuot ng kulay pink ilang oras bago magsimula ang event bandang 4:30 p.m.


“Nakikita ko po kanina sa Facebook, sa Twitter, sa Instagram, umaga pa lang ang dami-dami niyo na. Nakita ko rin sa mga malls sa paligid na pinuno ng kakampinks," ani Robredo.


Isa sa mga naunang well-attended rallies ng Robredo campaign ay ginanap sa General Trias, Cavite noong March 5.


Matapos iyon ay sinabi ni Cavite Representative Boying Remulla sa isang radio interview na ang mga dumalo sa naturang kampanya ay nakatanggap ng P500 each.


Sinabi rin ni Remulla na may mga dumalong aktibista at mga trained ng komunistang National Democratic Front batay sa attendance.

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page