top of page
Search
BULGAR

VP Leni, nakipagkamay daw, oks lang… Spox Roque: pinag-iinitan ako ng media

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 1, 2020




Binuweltahan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang media na siya umano ang “pinupuruhan palagi” kaugnay ng kontrobersiyal na larawang kumalat na kuha sa isang event sa Cebu na binatikos ng mga netizens dahil sa paglabag umano ng mga tao sa social distancing protocol.


Saad ni Roque, “Ang ikinakasama ko ng loob, bakit ako pinupuruhan palagi ng Inquirer at ng ABS-CBN? Bakit noong nakikita ninyo sa screen si VP Leni na nakipag-handshake-handshake pa, oh, hindi ba violation ito ng restriction on social distancing?


“Ang tanong ko naman sa mga media na mga kasama natin, patas sana.”


Aniya pa, “Ang sa akin lang is, bakit nga ako iyong pinuruhan? Hindi ko maintindihan. Ako, nakita ko na iyong picture na ‘yan.


“Hindi naman namin pinapansin ‘yan because alam naman namin kasi, kaming mga may karanasan sa pulitika na ano’ng magagawa mo, eh, ibinibigay ‘yung kamay?”


Pahayag pa ni Roque, “Siyempre, hindi nila sisitahin si VP Leni dahil ang gusto lang nilang sitahin ay iyong mga taong gobyerno.


"Pinupuruhan lang ako dahil ako ang mukha ng Presidente, na once a week, ang Presidente nag-a-address, ako thrice a week. So I’m the face of the government as spokesperson."


Samantala, buwelta naman ng spokesman ni Vice-President Leni Robredo na si Barry Gutierrez, “Nagpa-mañanita ka sa beach, tapos si VP pa rin ang ituturo mo? Wow lang.


“I look forward to the day when officials in this administration can just be accountable, accept responsibility and commit to doing better, instead of bashing the Vice-President every time the Filipino public call out their shortcomings.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page