ni Jasmin Joy Evangelista | September 25, 2021
Nagpahayag ng malamang mensahe si VP Leni Robredo hinggil sa isyu ng kanyang pagtakbo sa susunod na eleksiyon.
Marami pa rin kasi ang nag-aabang sa kanyang magiging desisyon.
"Naririnig ko kayo... Naririnig ko rin 'yung sinasabi ng iba. Kesyo pagod na raw ako. Natatakot daw akong matalo. Kinakabahan daw ako na dehado tayo sa resources at makinarya, na baka hindi natin kayanin ang kampanya. Tanungin ko nga kayo ngayon: Mukha ba akong pagod? Mukha ba akong natatakot? Mukha ba akong kinakabahan?" sabi ni Robredo.
Ayon pa sa kanya, pagtiwalaan lang daw siya ng mga supporters na patuloy na kumukumbinsi sa kanya na siya ay tumakbong presidente sa 2022.
“Magtiwala kayo: Pagdating sa usapin ng halalan, isa lang ang nasa isip ko: Siguruhin na mawawakasan ang uri ng pamumunong ugat ng pagdurusa, paghihirap, at pagkamatay ng napakarami sa atin," sambit niya.
Sabi pa ni Robredo, "mangyayari ang dapat mangyari."
"Mulat ako sa mga deadline; umuusad ang panahon; sa huli, mangyayari ang dapat mangyari."
Comments