ni Jasmin Joy Evangelista | March 5, 2022
Malaki ang kumpiyansa ni vice president at presidential bet Leni Robredo na makukuha niya ang Cavite ngayong May 2022 elections.
Ito ay sa kabila ng pag-endorso ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa pambato ng Uniteam na sina former senator Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Kasabay nito ay hiniling ni Remulla sa kanyang nasasakupan na ibigay ang 800,000 boto sa Marcos-Duterte tandem.
Sigaw naman ng supporters ni VP Leni, “800K minus one” — bawat isa sa kanila ay babawas sa hangad na boto para sa Uniteam, na siyang ikalawang most-vote rich province sa bansa.
Sa isang panayam, inihayag ni Robredo na siya ay confident na makukuha ang boto ng Cavite sa kabila ng pag-endorso ni Remulla sa Uniteam.
“The numbers are understandable,” ani Robredo. “Our opponent prepared hard for this while I have decided very late.”
“[Back then], I had a lot of things in 2016 that I do not have now, like endorsements of local government officials. But I have much now that I did not have back then, and that is my volunteers,” paliwanag niya sa mga reporters.
Comments