top of page
Search
BULGAR

VP Leni, fully vaccinated na


ni Lolet Abania | August 11, 2021



Nakumpleto na ni VP Leni Robredo ang kanyang second dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ngayong Miyerkules. Sa kanyang Facebook post, makikitang tinanggap ni VP Leni ang ikalawang dose niya ng bakuna sa Pinyahan Elementary School sa Quezon City, kasama ang kanyang mga staff members na tulad niya ay tinatawag na persons with comorbidities o nasa A3 category sa ilalim ng vaccination program ng gobyerno. Una nang sinabi ni Robredo na siya ay mayroong hypertension.


“Mabilis at maayos pa rin ang sistema. Napakabait ng mga nag-aasikaso na mga from QC LGU, doctors, nurses, teachers, other volunteers,” ani Robredo. “We were done in about 30 minutes,” dagdag ni VP Leni.


Binanggit din ni Robredo na dalawa sa kanyang staff ay nag-aalangan noon na magpabakuna kontra-COVID-19 subalit pumayag na rin ang mga ito sa ngayon. Matatandaang natanggap ni Robredo ang kanyang first dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine noong nakaraang Mayo 19.


Ang AstraZeneca ay may efficacy rate na 70% matapos ang unang dose base sa evaluation ng Philippine Food and Drug Administration (FDA). Ang 70% rating ay tataas ng hanggang 90% matapos naman ang second dose na ma-administer pagkaraan ng apat hanggang 12 linggo.


Panawagan ni Robredo sa pamahalaan na dapat ay makapagbakuna ng hanggang 750,000 indibidwal kada araw habang lockdown ng Agosto 6 hanggang 20 sa Metro Manila dahil ito ang epicenter ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page