ni Twincle Esquierdo | August 30, 2020
Tinawag na “bothering” ni VICE President Leni Robredo ang national government dahil tila kampante ito sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Sa kanyang weekly radio show binanggit niya ang reaksiyon ni Presidential spokesperson Harry Roque na mariing hindi sumang-ayon sa kanyang sa kanyang public address kung saan pinintasan niya ang gobyerno dahil sa tila wala itong ginagawa sa pagtugon sa COVID-19 sa buong bansa.
Saad niya, “Pero iyong nakaka-bother dito, Ka Ely, halimbawa iyong reaksyon ni Secretary Roque doon sa ating public address, parang kuntento na kasi—alam mo iyong pamahalaan parang kuntento na sa ginagawa, Iyon iyong mas nakakapag-alala na galit sila kapag sinabihan silang kulang iyong response. At kapag sinabihan mong kulang iyong response, sasabihin nila parang sinisiraan sila,”
“Iyong sa akin lang, kapag ganitong krisis, lalo na kapag buhay at kalusugan ng tao iyong
nakataya, mas mabuti talaga, Ka Ely, iyong pag-respond natin maagap. Ang pag-respond natin hindi nakukuntento. Kasi kapag kuntento na tayo, kahit iyong numero hindi nagsasabing maayos, iyon iyong mahirap. Kasi hindi na tayo nag-i-improve, eh. Kasi pakiramdam natin napakahusay na natin,”
Noong Hulyo nagpadala ng listahan si Vice President Robredo kung papaano masusugpo ang COVID-19 pandemic. Dahil ayon kay Roque tinatanggap ng palasyo ang anumang rekomendasyon ngunit ayon ky Bise Presidente ay walang nagbago at ang lahat ng kanyang panukala ay naipatupad na.
Comentarios