ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 25, 2020
Inanunsiyo ni Vice President Leni Robredo na naka-quarantine siya at ang ilan niyang staff matapos silang ma-expose sa COVID-19 positive.
Aniya, "Very close contact kami pero sumunod naman kami sa protocols.
"Tingin ko, salbado naman kami pero kailangan nating sumunod sa protocol para sigurado lang."
Wala naman daw silang nararamdamang kahit na anong sintomas ng COVID-19.
Nagsagawa si Robredo ng ilang community projects ngayong linggo kabilang na ang pagbubukas ng community learning hubs sa Pasig at Taytay, Rizal para sa mga estudyanteng nangangailangan ng tulong sa kanilang blended learning classes.
Saad ni Robredo, "Ito, hindi staff pero nakasama namin this week sa ikot. Kasama namin buong umaga pero wala namang may gusto nito."
Sumailalim din sa quarantine ang kanyang chief of staff na si Undersecretary Francisco Dy.
Magpapa-swab test din umano si Robredo at ang kanyang staff.
Comments