ni Lolet Abania | May 14, 2022
Ipinahayag ni Vice President Leni Robredo ngayong Sabado na siya at kanyang pamilya ay nakatakdang lumipad patungong United States upang dumalo sa graduation ng kanyang anak na si Jillian.
“We will be gone for a few days to just spend time with family and take a well deserved rest before all of us restart the lives we have put on hold,” sabi ni Robredo sa kanyang social media post.
Ayon kay Robredo, ito ang unang pagkakataon na makakapag-travel siya kasama ang kanyang pamilya na walang trabahong aasikasuhin, simula nang mamatay ang asawang si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo noong 2012.
“We are sorry if we cannot accept the numerous requests for meet ups. We will do that some other time in the future. For now, we just need to spend as much time together,” saad ni VP Leni. Nagbilin naman ang outgoing vice president na anumang mahalagang usapin na kailangang agad tugunan ay idirekta ito sa kanyang chief of staff na si Boyet Dy.
Tiniyak din ni Robredo sa kanyang mga supporters na siya ang mangunguna sa preparasyon para sa paglulunsad ng Angat Buhay NGO sa Hulyo.
“The entire OVP Family is making all the preparations for the official turnover of the office to the duly elected 15th Vice President,” dagdag niya. “Again, my most profound gratitude to everyone,” sabi pa ni VP Leni.
Hindi pinalad si Robredo laban sa katunggali niya na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presidential race, kung saan nakakuha siya ng 14,822,051 votes kumpara kay Marcos na may 31,104,175 votes sa May 9 elections.
Mula sa mahigit 98 percent ng election returns na nakolekta, pinaniniwalaang si Marcos na ang uupong pangulo ng bansa. Nitong Biyernes, pinasalamatan na ni VP Leni ang kanyang mga supporters sa kanilang pagsisikap sa pagtulong sa kanyang kampanya para sa katatapos na eleksyon.
Comentarios