ni Gerard Peter - @Sports | February 28, 2021
Payak mang maituturing ang kanilang koponan, paniguradong may ibubuga at hindi aatras sa anumang laban sa pag-asang mairerepresenta nila ang bansa sa 31st Southeast Asian Games simula Nob. 20-Dis. 2 sa Hanoi, Vietnam.
Wala pa man umanong maipagmamalaking matatag na line up para sa mga pandaigdigang kompetisyon, ngunit optimistiko si Vovinam Master Jojo Quy Tran Gonzaga Jr. na ang iilang manlalaro nila ay paniguradong magbibigay ng medalya para sa bansa oras na maging opisyal silang kinatawan para sa biennial meet.
“We don’t’ have a strong team right now, meron kaming line up, only 4 athletes pa lang. Para sa akin magsisimula ako ng zero dito sa Pilipinas, dahil bago lang kami,” pahayag ni Filipino-Vietnamese Master Quy Tran, Huwebes ng umaga sa TOPS: Usapang Sports na live na napanood sa Sports on Air Facebook page. “Though everytime naman na sumali kami may at may ipinapadala na 3 representatives, we always brought home 2 medals. Meron kaming sparring and diyan tayo magaling na mga Filipinos,” dagdag nito sa programang suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).
Kabilang ang pampalakasang Vovinam sa 40 sports na inilagay ng Vietnam Olympic Council at Organizing committee, habang parte pa rin umano ng 38 sports na planong ipadala ng Pilipinas para sa Vietnam meet.
Ayon kay PSC commissioner at Hanoi Games Chef De Mission Ramon Fernandez, parte ng 38 sports na napiling ipadala ng bansa sa regional multi-sport events ang Vovinam. Kinakailangan lamang umano na makipag-usap at lumapit ang pamunuan ng PVU sa pamumuno ni Mr. Jasper Movilla ng Cebu. “They are part of the lists of sports sa SEA Games. They need to coordinate and talk to the POC officials, most specially to Cong. Bambol if they want to represent country,” wika ng dating 4-time PBA MVP sa panayam ng Bulgar sa telepono.
Ilan sa mga maaaring maging pambato ng vovinam sa SEA Games ay sina Kristine Baguio, na nagwagi ng gold medal sa women’s 63kgs sa Doi Khan Sparring noong World Championships sa Cambodia2019 at isa pang gold medal noong 2018 Thap Tu Quyen sa Myanmar; Jaysa Anna Gabuya, na nakapag-uwi ng gintong medalya sa 49kgs category sa Dhoi Kang sa Asian Vovinam Championships sa Bali Indonesia at Cedric Bolneo na nakapagbulsa ng Silver sa Southeast Asian Championships sa 57kg Dhoi Kang sa Myanmar.
Comments