top of page
Search
BULGAR

Voting registration sa 2022 election, walang extension

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 09, 2021






Pinaaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na magparehistro na para sa 2022 national elections sapagkat 4 buwan na lamang bago ang deadline ng voting registration at hindi na ‘yun magkakaroon ng extension.


Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, “Unfortunately, mukhang hindi na siya puwedeng i-extend because the day after the close of registration [is] filing of COC (certificates of candidacy), which means we have to start preparing for election day documents na.”


Dagdag pa niya, ine-expect ng Comelec ang mahigit 7 milyong bagong rehistradong botante ngunit halos 2.8 milyon pa lamang ang mga nakapagparehistro mula nu’ng ika-30 ng Abril.


Iginiit niyang gumagawa naman sila ng mga hakbang para palawakin ang pagkakataon ng publiko na makapagparehistro, sa kabila ng ipinatutupad na health protocols laban sa COVID-19.


Sa ngayon ay nakikiusap ang Comelec na magparehistro na habang maaga pa, upang maiwasan ang hassle sa nalalapit na deadline.


Pinayuhan din ng Comelec ang magpaparehistro na sagutan muna ang downloadable application form sa irehistro.comelec.gov.ph bago pumunta sa tanggapan.


Коментарі


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page