ni Jasmin Joy Evangelista | September 12, 2021
Pinilahan ang voter registration sa mga mall sa Metro Manila nitong Sabado.
Ito ay matapos buksan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa mga lugar na naka-modified enhanced community quarantine, kagaya ng Metro Manila. Nitong Sabado rin sinimulan ang pagpaparehistro sa mga mall.
Makikita sa larawan ang mga magpaparehistro sa mga upuan, bilang pagsunod sa physical distancing protocols.
Ayon sa pamunuan ng Robinsons Malls, bukas ang 37 nilang malls sa buong bansa para sa voter registration ng Comelec.
Umabot na sa 5-milyon ang bagong registrants, lagpas sa inaasahang bilang na 4-milyon, ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez.
Sa kabuuan, nasa 62 milyon na ang mga rehistradong botante sa bansa para sa susunod na halalan.
Kommentare