top of page
Search
BULGAR

Voter registration, pinauurong sa Enero, 2021

ni Lolet Abania | September 2, 2020




Inoobserbahan ng technical working group (TWG) ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang sitwasyon sa mga voter registration sites matapos na imungkahi na ipagpaliban muna ito dahil sa banta ng COVID-19, ayon kay IATF Vice-Chairperson at Dept. of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.


Ayon kay Año, magbibigay ang TWG ng rekomendasyon sa IATF base sa kanilang naging obserbasyon.


"Bukas, sa magaganap na meeting ng IATF ay magre-report ‘yung technical working group kung ano 'yung findings nila, kung ano ‘yung observation nila,” sabi ni Año.


Sa pagbubukas ng voter registration kahapon, Miyerkules, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais ng Metro Manila mayors na ang aktibidad na ito ay iurong at gawin sa January 2021.


Gayunman, sabi ni Año, hihingin pa rin ng IATF na aprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang naturang kahilingan.


"Ang Comelec ay isang constitutional body. Meron silang sariling calendar, schedule. Pero inire-request ng mga mayors kung pupuwede… para maiwasan ‘yung mga mass gathering sa ngayon,” sabi ni Año.


“Titingnan natin kung ano 'yung magiging sagot ng Comelec, kung pupuwede sanang i-postpone muna to January kung hindi naman madi-derail ‘yung kanilang schedule,” dagdag niya.


Gayundin, sabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, nakatakdang mag-usap ngayong araw ang mga kawani ng ahensiya para talakayin ang hiling ng mga alkalde.


Ayon pa kay Año, layon din ng mga Metro Manila mayors na patuloy na mabawasan ang kaso ng tinatamaan ng COVID-19 at makapag-focus sa implementasyon at paglaban sa virus.


Samantala, nagkaroon ng voter registration noong January 20 subali't sinuspinde ito noong March 9 hanggang March 31 dahil sa banta ng COVID-19. Pinalawig din ng Comelec ang suspensiyon ng voter registration nang maraming beses dahil sa quarantine restrictions.


Muling nagpatuloy ang registration kahapon (Sept. 1), subali't nagbigay ito sa iba ng kalituhan. Magtatapos ang voter registration sa September 30, 2021, bilang paghahanda sa May, 2022 elections.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page