ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 21, 2021
Pansamantalang iiklian ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration nang 2 oras simula sa Lunes, March 22 hanggang sa Linggo, April 4 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa Comelec, ang oras ng voter registration tuwing Lunes hanggang Huwebes ay mula 8 AM hanggang 3 PM at ang issuance naman ng voter certificatioin ay hanggang 5 PM. Tuwing Biyernes ay magsasagawa naman ng disinfection ang Comelec.
Pansamantala ring sinuspinde ng ahensiya ang satellite registration sa mga barangay halls, daycare centers, covered courts atbp. satellite offices.
Nagpaalala rin ang Comelec sa mga magpaparehistro na sumunod sa health and safety protocols.
Pahayag pa ni Comelec Spokesperson James Jimenez, “Wearing of face mask and face shield is mandatory. To minimize physical contact, the accomplishment of the application form and setting of appointment via irehistro.comelec.gov.ph is encouraged.”
Comments