top of page

Voter education para sa kabataan, nabuo ng Comelec at CHED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 21, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | April 21, 2022



Bumuo ng isang kolaborasyon ang Commission on Elections (Comelec) at Commission on Higher Education (CHED) upang isulong ang voter education para sa mga kabataan bago pa ang May 9 elections.


Isang memorandum of agreement (MOA) ang nilagdaan nina Comelec Executive Director Bartolome Sinocruz Jr. at CHED Executive Director Cinderella Filipina Jaro na may kaugnayan sa kanilang partnership, sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila ngayong Huwebes.



“Without [a] doubt ang partnership na ito will enhance tremendously the voters’ education capability… This will also increase voter turnout and moreso siguro, yung sinasabi nating voters’ understanding [of] how the election processes are being conducted,” saad ni Sinocruz sa kanyang speech.


“Ang mas importante talaga is the total understanding of how the election process is being done so that they can vote intelligently and efficiently which, in turn, will complete our orderly and peaceful elections,” sabi ng Comelec executive.


Sa ilalim ng partnership, isang voters’ education forum ang isasagawa sa lahat ng higher education institutions (HEIs) sa bansa. Layon nitong makapag-produce ng mga mahuhusay na mga botante sa pamamagitan ng pagpapabatid sa mga kabataan ng kanilang karapatan na bumoto, paano at kailan dapat magparehistro, sinu-sino ang mga tatakbong kandidato, at ang mga mechanics ng electoral process at iba pa.


Gayunman, nilinaw ng mga opisyal na nasimulan na ang mga forums sa maraming lugar, kung saan ini-report ni Jaro na ang mga katulad na talakayan ay isinagawa sa Region 9.


Ayon kay Jaro, tinatayang nasa 3.6 milyon estudyante ang naka-enrolled sa HEIs sa buong bansa. Aniya, karamihan sa mga estudyante ay nasa edad 18 – ang voting age sa Pilipinas – at pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page