top of page
Search

Vloggers na sina Jai Asuncion at Agassi Ching, break na

BULGAR

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 18, 2024




"JaiGa," no more na!


Nalungkot ang ilang netizens matapos na maghiwalay ang mga vloggers na sina Jai Asuncion at Agassi Ching.


Kinumpirma mismo ni Jai sa isang post ang hiwalayan nila ng boyfriend na si Agassi.


Sey nito sa kanyang post, sinubukan nilang isalba ang kanilang almost 5 years na relasyon ngunit hindi na raw talaga kinaya kaya tinapos na nila ito.


Hindi naman nakalimutang magpasalamat ni Jai sa kanilang mga supporters.


Sinundan ni Agassi ang post na ito ni Jai at sinabi rin nitong ang kanilang naging relasyon ay hindi lamang for clout.


Hindi raw titigil sa kanilang vlogging ang dalawa at patuloy na gagawa ng content on their separate ways.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page