top of page
Search

Vlogger na si Zeinab Harake, nanganak na ng baby girl!

BULGAR

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 2, 2021



Nanganak na ang vlogger na si Zeinab Harake sa baby girl nila ng rapper na si Daryl Ruiz (aka Skusta Clee) na pinangalanan nilang Baby Bia. Sa YouTube channel ni Daryl, in-upload niya noong Sabado ang documentation ng panganganak ni Zeinab noong April 28.


Ayon kay Daryl, noon ay hindi man lang sumagi sa isip niya ang magkaroon ng sariling pamilya at todo-pasasalamat siya dahil hindi siya sinukuan ni Zeinab.


Aniya, “Mapalad ako kasi merong isang taong hindi ako sinukuan sa mga panahong kahit ako mismo, sukung-suko na sa sarili ko.”


Saad pa ni Daryl ngayong isa na siyang daddy, “Mas lalong naintindihan ‘yung halaga ng buhay.” Mensahe pa niya kay Baby Bia, “Hanggang kaya ko at hanggang sa huling hininga naming dalawa ng mama mo, pangakong hinding-hindi ka namin pababayaan.”


Noong July, 2020 nagkabalikan sina Zeinab at Daryl matapos ang on-and-off relationship nilang dalawa. Noong October naman nang nalaman ni Zeinab na buntis siya. Si Zeinab ay may mahigit 10.1 million YouTube subscribers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page