ni Angela Fernando - Trainee @News | April 12, 2024
Nag-celebrate ng kanilang 2nd wedding anniversary ang Team Payaman vloggers na sina Junnie Boy at Vien Iligan kamakailan sa Davao.
Sa YouTube channel nga ni Vien, nausisa niya ang kanyang mister kung ready daw ba ito kung sakaling makabuo sila ng baby #3 sa kanilang celebration.
Humirit naman si Junnie na hindi raw siya ready dahil mahal daw mamuhay sa panahon ngayon.
Sey ni Vien, hindi naman daw pala ready ang kanyang asawa pero gabi-gabi raw itong nangangalabit.
Ang dami namang naka-relate sa ibinulgar ni Vien at inulan ng kuwelang hirit ng netizens ang naturang vlog.
Commenti