ni Angela Fernando - Trainee @News | March 17, 2024
Iniimbestigahan ng Department of Education ang viral na video ng isang babaeng titser na nangmamahiya ng mga estudyante.
Ang nasabing pangyayari ay live-streamed sa social media at walang linaw kung ano ang ikinagalit nito.
Sa isang pahayag, sinabi ni DepEd deputy spokesperson Assistant Sec. Francis Bringas na kanilang sinusuri ang isyu.
"We are verifying the report from the field and will require a complete incident report to determine the next course of action in accordance with existing DepEd policies," saad ni Bringas.
Matatandaang nagbaba ang DepEd ng patakaran para sa proteksyon ng kabataan nu'ng 2012 kung saan nakasaad na kahit anong gawain o salita na nagpapababa sa dangal ng isang bata bilang isang tao ay ituturing na pang-aabuso.
Gayunpaman, nagpaalala ang Teachers' Dignity Coalition laban sa paggawa ng mabilis na komento sa pangyayari dahil hindi pa alam ang buong kuwento sa likod ng video.
Komentar