ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 2, 2025
Photo: Uninvited - Vilma Santos IG
Ang parehong Mentorque at Project 8 Projects Productions ang nagkasundong hindi na i-submit ang Uninvited movie para makasali sa 2nd Manila International Film Festival (MIFF) ngayong March 4-7 sa USA.
Ang mga producers nitong sina Bryan Diamante at Direk Dan Villegas-Antoinette Jadaone ang nag-decide na mag-beg-off sa invitation ng MIFF organizers, kaya’t maling-mali at walang katotohanan ang mga naglabasang balita na “pinull-out” ito.
Ayon sa aming mga nakausap from both the camps of Mentorque at Project 8 Projects, ang pagkakaroon nila ng mga previous commitments ang rason kung bakit hindi sila makakapunta o makapagpapadala man lang ng representatives nila para mag-asikaso o personal na makilahok sa festival.
Si Bryan ang nagsisilbing punong-abala sa halos lahat ng mga political sorties ng Santos-Recto candidates at iba pang mga kaalyado nila sa Batangas province.
Sina Direk Dan at Antoinette naman ay abala rin sa mga nauna na nilang kausap-ka-deal here and abroad, lalo’t kagagaling lang nila sa 75th Berlinale Film Festival. Wala ring magre-represent sa Project 8 Project Productions kaya’t nag-decide ang parehong producers ng Uninvited movie na hindi na mag-submit sa festival.
MEANWHILE, despite her busy schedules, sinagot naman ni Star for All Seasons Vilma Santos ang aming tanong sa naturang isyu.
“Ang mga producers ko ang hindi na nag-submit (sa MIFF). I am only their actor at wala naman akong kontrol sa desisyon nila,” parte pa ng sagot ni Ate Vi.
Nalulungkot din daw siya lalo na para sa mga Vilmanians na naka-purchase na ng tickets last month pa bago pa man na-reset ang MIFF at ‘yung iba ring nag-leave na sa mga offices o work nila to support her movie.
Medyo nasentro lang din kasi kay Ate Vi at mga Vilmanians ang maling info tungkol sa supposedly ‘entry ng Uninvited’, kaya’t may lumabas na tila nagtatampo o disappointed ang mga ito.
“Soon mapapanood din nila (ang movie). Sa dami ng mga platforms ngayon, hindi na ‘yan imposible,” susog naman ng mga supporters ni Ate Vi rito sa ‘Pinas.
Kaya nalulungkot man ay ipinaaabot ni Ate Vi ang kanyang paghingi ng pasensiya sa mga supporters niya, pati na ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga organizers ng 2nd MIFF.
Isa kasi si Vilma Santos sa mga bibigyan ng Lifetime Achievement Award ng festival along with National Artist Ricky Lee, showbiz leader Tita Boots Anson-Rodrigo at ang yumaong Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde.
‘YAN ang nakakatuwa at nakaka-proud sa mga supporters ni Vilma Santos-Recto (Ate Vi).
Sa pamamagitan ng socmed (social media), nagkakaroon sila ng mga talakayan o info sharing, kaya’t updated sila kahit nasa abroad pa ang iba.
Talagang sa bawat project ng idolo nila, lagi silang may nakahandang oras, effort at pera to support.
‘Yung mga kulang o walang pondo, binibigyan ng mga mayroon. Hindi sila basta-basta nag-iingay o nakikipagbardagulan nang ganu’n lang para kay Ate Vi.
At ang pinakabongga sa mga kapwa Vilmates-Vilmanians, naipasa ng mga senior fans ang pag-idolo sa nag-iisang Vilma Santos sa kanilang mga anak, pamangkin, inaanak at apo na buong-puso namang tinatangkilik ng ngayo’y mga millennial at Gen Z.
‘Yan ang bonggang katotohanan na puwedeng isampal sa mga bashers diyan.
“Her exemplary body of work, her legacy and advocacies and her great respect and behavior indeed and truly spell the huge difference,” ‘ika nga ng mga scholars sa soon-to-be released ICON book ni Ate Vi.
Comments