top of page
Search
  • BULGAR

Vilma, suportado rin sa pagbabalik-gov… LUIS, GAME SA PULITIKA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 3, 2024



Showbiz News

Hindi lang si Jessy Mendiola ang pumirma ng kontrata sa Star Magic kahapon. Maging ang kanyang mister na si Pambansang Host Luis Manzano ay nag-renew din ng kontrata sa ABS-CBN at may bagong game show na namang gagawin ang TV host, ang Rainbow Rumble.


Bago humarap si Jessy sa entertainment press ay una muna naming nakatsikahan si Luis at natanong nga namin ito tungkol sa pagbabalik-showbiz ng kanyang misis.


Dito nga nasabi ni Luis na all-out support siya kay Jessy. At kahit pa gustung-gusto na niyang masundan ang super charming at napaka-cute na si Baby Peanut, gusto rin daw niyang pagbigyan ang kanyang misis sa magpapasaya rito kaya ise-set aside muna nila ang Baby No. 2.


Natanong din namin si Luis tungkol sa maugong na balitang papasukin na rin niya ang pulitika sa next election.


Ani Luis, tatlong eleksiyon na ang nagdaan na tuwing dumarating ang ganitong panahon, kumakalat na inaalok siya sa pulitika at pinatatakbo sa kung saan-saang posisyon.


Although open naman daw siya sa idea at suportado rin siya ni Jessy kung saka-sakaling tumakbo siya, hindi pa raw nila ito napag-uusapan sa pamilya.


'Pag nagba-bonding daw sila nina Ate Vi at Sec. Ralph Recto, walang usapang pulitika. Pero natutuwa siya at nagpapasalamat dahil ibig sabihin lang daw, nagtitiwala sa kanya ang mga taga-Batangas kaya may clamor na tumakbo siya.


Hindi rin naman daw magugulat at pipigilan ni Luis kung sakaling mag-decide ang kanyang inang si Ate Vi na muling tumakbo sa pagka-gobernador ng Batangas sa susunod na eleksiyon dahil alam niyang napakalaki ng nagawa ng ina para mabago ang Batangas at nag-iwan talaga ito ng legacy sa mga tao.


At siyempre, nagpapasalamat din si Luis sa nominasyon ni Ate Vi bilang National Artist dahil naniniwala ang TV host na deserving talaga ang kanyang ina sa lahat ng naging kontribusyon nito sa movie industry.


 

Naka-move on na raw sa ex-BF, Luis… 

JESSY, PAYAG MAKASAMA ULI SI JM 


Jessy Mendiola at JM de Guzman

BALIK-SHOWBIZ na si Jessy Mendiola-Manzano matapos ang limang taong pamamahinga sa showbiz.


Isang blooming, fresh at parang dalaga uli sa kaseksihan na Jessy Mendiola ang humarap sa entertainment press kahapon matapos ang contract signing niya sa Star Magic na ginanap sa Studio 2 ng ABS-CBN.


Sa Q & A, inamin ni Jessy na na-miss niya ang pag-arte, at nang sabihin niya ito kay Luis, all-out support daw ang ibinigay ng kanyang very supportive and understanding hubby.


Hindi pinigilan ni Luis si Jessy na magbalik-showbiz dahil medyo malaki na rin daw si Isabella Rose o Peanut at gusto naman ng TV host na gawin ng misis ang passion nito at makakapagpasaya rito.


Ayon naman kay Jessy, bagama't good provider si Luis mula nang ikasal sila, gusto rin niyang makatulong sa mister sa mga gastusin nila sa bahay kaya nag-decide siyang mag-work uli. 


Natanong ng press si Jessy kung ano'ng mga projects ang gusto niyang gawin sa kanyang pagbabalik-Star Magic at ABS-CBN at aniya, gusto rin daw niyang i-try ang hosting at sitcom dahil marami na siyang natutunan kay Luis lalo na sa hosting.


Pero dahil mas nakilala si Jessy bilang aktres, malamang ay teleserye uli ang kanyang gawin at okay lang daw sa misis ni Luis kahit kontrabida o mother role ang ibigay sa kanya dahil nanay naman na talaga siya.


Gayunpaman, ang sabi raw sa kanya ni Direk Laurenti Dyogi na head ng Star Magic, papasa pa rin namang leading lady si Jessy.


Kaya nang matanong namin ang aktres kung sino ang dream niyang maging leading man sa kanyang pagbabalik-serye, binanggit niya ang name nina Piolo Pascual at Joshua Garcia dahil never pa raw niyang nakasama ang dalawa.


Aminado si Jessy na mas bata sa kanya si Joshua, pero kung pumasa itong leading man ni Anne Curtis, bakit nga ba hindi puwede sa kanya, eh, di hamak namang mas bata siya kay Anne.


Tinanong din namin si Jessy kung may mga restrictions na ba siya ngayon sa mga tatanggapin niyang roles dahil may anak na siya. Puwede pa ba siyang makipag-kissing scene o magpa-sexy sa kanyang serye kung saka-sakali?


Kuwento niya, pinag-usapan daw nila ito ni Luis at ang sabi lang daw ng kanyang mister, as long as kailangan sa story at sa script, okay lang kahit ano'ng gawin ni Jessy dahil naiintindihan ni Luis na trabaho ito.


Bukod kina Piolo at Joshua, gusto rin ni Jessy na makatrabaho sana ang mister dahil never pa raw silang nagkasama sa isang project.

Dream din ni Jessy na maka-work ang kanyang biyenang si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto. At nang malaman nga raw ni Ate Vi na magbabalik-showbiz na siya, nagsabi ito na sana ay magkatrabaho nga sila.


Lastly, tinanong namin si Jessy kung willing ba siyang makatrabaho ang ex-boyfriend niyang si JM de Guzman since nasa iisang network nga lang sila at hindi naman ito imposible.


Nakakatuwa naman ang diretsong sagot ni Jessy na wala raw problema at okay lang sa kanya dahil naka-move on naman na raw siya at may kani-kanyang buhay na nga naman sila ni JM. 


Nag-mature na rin naman daw siya at secured na rin sila ni Luis sa kanilang relasyon kaya wala nang issue kung magsama man sila ni JM sa isang project.

Kaya abangan ang muling pagbabalik-ABS-CBN ng isa sa mga most beautiful faces in showbiz na si Jessy Mendiola.


 

IKAKASAL na pala ang radio DJ-host na si Nicki Morena ngayong July at tatayo pang isa sa mga ninong at ninang sina Tito Boy Abunda at Melai Cantiveros.


At take note, hindi sa 'Pinas ang kasal kundi sa Greece! 


Yes, sa Greece dahil isang Greek Theology professor ang mapapangasawa ni Nicki.

Nakilala raw niya ang guy na nakalimutan namin ang name (sorry naman, aging attacks, haha!) sa dating app nu'ng pandemic at kakaiba raw talaga ito sa mga una niyang naka-chat dahil napakamarespeto at talagang seryoso sa kanya.


Nakapunta na sa Pilipinas ang fiancé ni Nicki at na-meet na rin ng parents niya. 


After ng kasal, baka sa Greece raw muna mag-stay sina Nicki at ang hubby niya para i-enjoy ang kanilang honeymoon at sisimulang buhay.


Well, congrats, DJ Nicki Morena!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page