ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 15, 2021
Ipinag-utos ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang total ban sa pagbi-videoke para makapag-aral nang maayos ang mga estudyante sa kanilang online classes at para rin sa mga nagwo-work from home.
Saad ni Remulla, "Meron tayong ordinance tungkol sa videoke.
“I will make sure na ‘yung mga pulis natin ay active sa gabi para sa anti-videoke… hindi lang po pala sa gabi, 24/7 bawal na ang maiingay na videoke.”
Aniya pa, “So, ako po ay nakikiusap sa inyo. Kung kayo man ay mahuli, ‘wag na po kayong umangal. Ganyan talaga ang buhay.”
Samantala, ayon kay Remulla, nakapagtala ng 143 daily average ng COVID-19 ang Cavite ngayong buwan ng Hulyo.
Noong July 6 naman, pumalo na sa 368,560 residente ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna laban sa COVID-19 habang 91,392 naman ang fully vaccinated na.
Panawagan din ni Remulla sa publiko, “The worst is not over. There is only one way to do this. It is with discipline. Dapat disiplinado kayo sa sarili ninyo. Alam n’yo kung ano ang mga kailangan. Magsuot ng masks, social distancing… ‘yung mga precautions na kailangan ninyo. At pangalawa, ‘pag available na ang vaccines sa lugar ninyo, please vaccinate.”
Comments