top of page
Search
BULGAR

Video trending na… KIM, MUNTIK NANG MAHALIKAN NI PAULO

ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 12, 2024



Photo: My Love Will Make You Disappear - Official teaser


Inilabas na ang official teaser ng ABS-CBN film na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Siyempre pa, kinilig na naman ang KimPau fans nang mapanood nila ang umpisa ng teaser, kung saan makikitang nag-e-enjoy si Kim sa panonood ng isang Korean drama sa kanyang phone habang siya ay nasa quiet moment sa tulay.


Pero maya-maya lang, biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya dali-dali niyang kinuha ang mga gamit para umalis na.


Nang siya ay paalis na, umapir sa eksena ang karakter ni Paulo na tumatakbo sa kinaroroonan ni Kim.


Aksidenteng nabangga ni Paulo si Kim na agad naman nitong nahawakan para hindi matumba ang aktres. Nagtama ang kanilang mukha, it seems like an accidental kiss might happen, but before Kim can react, nagmamadali nang umalis si Paulo.


Biglang pause ng teaser at may naka-pose na question, “Kung ang love ay nawawala nang paulit-ulit, susugal ba ulit?” 


Tilian ang KimPau sa teaser pa lang, what more kapag napanood na nila ito nang actual sa February 12 sa cinemas nationwide?


 

Sey mo, Goma?

JULIANA, PROUD NA LUCKIEST SA BUONG MUNDO DAHIL ANAK NI LUCY



May heartfelt birthday message si Juliana Gomez para sa inang si Mayor Lucy Torres sa kaarawan nito. Naantig naman ang mga netizens sa mensahe ni Juliana para sa ina. 


Sa Instagram (IG) ni Juliana, anila, para lang daw magkapatid ang mag-ina.


“I am the luckiest girl in the world because you are my Mama. I love you, happy birthday @lucytgomez,” ani Juliana.


Komento ng mga netizens:


“Awww, so sweet naman ni Juliana. Nakakaiyak.” 


“Mukha lang kayong magkapatid! Both super-pretty, grabe!” 


“Nakaka-touch ‘yung sinabi ni Juliana, grabe, love-love niya ang mommy n’ya.” 


“You’re like sisters, your mama is beautiful. Happy birthday to your Mama Lucy.”


Si Lucy Torres ay isang famous Filipina actress and politician na ikinasal sa aktor na si Richard Gomez na isa na ring pulitiko.


 

Pasok ang pelikulang Sunshine ni Maris Racal sa prestihiyosong Palm Springs Int’l. Film Festival (PSIFF) na ang direktor ay si Antoinette Jadaone. Ginagampanan ni Maris ang papel ng isang batang gymnast na natuklasang buntis bago ang national tryouts.


Well, nominado ang pelikula para sa Best Youth Film sa 17th Asian Pacific Screen Awards. 


Ang layunin ng pelikula ay talakayin ang teenage pregnancy bilang mahalagang isyu sa lipunang Pilipino. Napili rin ito bilang bahagi ng World Cinema Now section, at ito ang US premiere ng pelikula, na itinuturing na isa sa mga prestihiyosong film festival sa Amerika.


Kasama sa movie sina Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Jennica Garcia, Annika Co, at Meryll Soriano. 


Sa higit isang taong pagsasanay ni Maris Racal para sa papel, ipinamalas niya ang dedikasyon sa pagbibigay-buhay sa karakter ni Sunshine. 


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page