top of page
Search

Video ng tikiman nina Regine at Robin, ikinalat… MARIEL SA MADLANG PIPOL: OH, AYAN, MASAYA NA KAYO?

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 1, 2024





Hindi pa pala naka-move on ang ilang bashers ni Mariel Rodriguez sa kanyang gluta drip session sa Senado kahit nilinaw na ng misis ni Sen. Robinhood Padilla na Vitamin C drip ‘yun at hindi pampaputi.


May ilang walang magawa ang gusto talagang asarin si Mariel kaya ang latest, itinag naman sa kanya ang lumang video ng asawang si Robin at ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez habang sweet na nagpo-promote yata ng kanilang movie at with matching lips-to-lips pa.


Pero ang ‘di yata alam ng mga bashers ni Mariel ay summa cum laude ang TV host-turned online seller pagdating sa pag-handle ng mga bashers, kaya kung akala nilang mapipikon nila ang misis ni Sen. Robin, ayun, sinakyan pa ang trip ng mga walang magawa.



Sa kanyang FB account, bago lumipad pa-Singapore kahapon, ini-repost ni Mariel ang viral video ng halikan nina Regine at Robin onstage at nilagyan pa ito ng mapang-asar na caption na:


“Ang daming nag-tag sa ‘kin, mas madami pa nag-tag sa ‘kin dito kesa sa iv drip. Oh ayan masaya na kayo? Ako na nag-share… happy? Happy na ba lahat? Tag ko na din si kuya Ogie Alcasid kasi dalawa kami tag n’yo. YEHEY!!!!”



Hahaha! Ayan tuloy, ang reaction naman ni Ogie da Pogi na mister ni Regine ang gustong marinig ng mga Marites.


Pero sa totoo lang, ha, siguro kung sina Sen. Robin at Ogie pa ang nag-kissing-kissing o tikiman to da max sa video, eh, mas maraming likes, shares and comment, what do you think, mga Ka-BULGAR?! 


Hahaha! Just for the laughs lang, ‘no!



 

Anak, ‘di matanggap ng tatay na doktor… “KAKARMAHIN DIN SIYA!” – ANGELICA




Pero ito ang ‘di joke at hindi talaga nakakatawa, pramis!


After 13 yrs. kasi, hindi pa rin pala tinatanggap o kinikilala ng tatay ng anak ni Angelica Jones ang kanyang unico hijo na si Angelo.


Nakausap nga uli namin si Angelica sa mediacon ng When Magic Hurts movie na pinagbibidahan ng love team nina Mutya Orquia at Beaver Magtalas last Saturday at siyempre, kumustahan to da max sa aming buhay-buhay dahil hindi iba sa amin si Angelica at ninang namin sa kasal ang kanyang Mommy Beth Jones.


That night ay kasama niya nga si Angelo na artistahin din at mala-oppa ang datingan sa edad na 13, although kapansin-pansin na mahiyain at tahimik lang ang bata, unlike her Lola Beth na super ma-chika at parang ‘di nauubusan ng energy.


Nakumusta namin kay Angelica ang anak niya at du’n na nga malungkot na ikinuwento ng comedienne-actress na nakilala bilang si Miss Flawless ang pinagdaraanan ng kanyang anak.


Honor student pala sa school si Angelo at graduating ngayon, pero a night before the mediacon, nag-iiyak daw ang bata at na-depressed dahil ang birth certificate na kailangan nito para maka-graduate ay ayaw pirmahan ng kanyang amang doctor na ayon kay Angelica ay Dr. Gerald Alday ang name.


Nilinaw ni Angelica na wala naman siyang hinahabol na financial obligations sa ama ng anak kahit supposed to be ay nagsusustento ito na never ngang ginawa mula pagkapanganak ni Angelo.


Ang gusto lang niya ay ibigay ni Dr. Alday ang apelyido nito sa bata upang maging buo ang pagkatao ng kanyang anak.


Pero dahil nga ayaw kilalanin ng ama si Angelo, nabu-bully daw ito sa school na nagdudulot ng mental at emotional stress sa bata.


Dahil dito, desidido na si Angelica na idemanda ang tatay ng anak at in fact, kinabukasan daw nu’ng magkausap kami ay may kakausapin na rin siyang abogado para makapag-file ng VAWC case laban kay Dr. Alday na ang balita niya ay balak pang tumakbong mayor sa Batangas sa susunod na eleksiyon.


At dahil nga sa sakit ng loob bilang ina, hindi mo masisisi si Angelica Jones kung ang nabitiwan niyang huling pahayag laban sa tatay ng anak ay “Kakarmahin din siya!”


Aguy!!! Sana naman ay mabuksan na ang puso ni Dr. Gerald Alday at kung hindi man siya sa amin magbigay ng kanyang panig, eh, maayos na niya ang relasyon niya sa anak nila ni Angelica. 


Kung anuman ang problema ng mga magulang, ‘di naman ‘yun kasalanan ng anak kaya sana, ‘wag nang idamay.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page