top of page
Search
BULGAR

Video ng naputol na karayom habang nagbabakuna... ‘Aksidente, puwedeng mangyari’ — DOH

ni Lolet Abania | January 22, 2022



Ipinaalala ng Department of Health (DOH) sa publiko ngayong Sabado na ang aksidente ay maaaring mangyari sa isinasagawang COVID-19 vaccination.


Ito ang naging pahayag ng ahensiya, matapos na mag-viral ang isang video nang maputol ang karayom ng injection habang nagbabakuna.


Dahil sa insidente, ang shot o laman ng syringe ay natapon nang itinurok na sa recipient.


Ang video, kung saan na-repost ng public at ng media, ay binago at ginawang private ng original poster nito.


Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang insidente ay hindi intentional.


“’Yung pong mga nangyayari na mga ganito hindi sinasadya, but these are some things na puwedeng mangyari during the process of vaccination,” paliwanag ni Vergeire sa televised public briefing ngayong Sabado.


“Kailangan lang po talaga ipaliwanag ng ating vaccination site what happened and ibigay ulit ’yung dapat na dose sa ating mga kababayan,” dagdag pa niya.


Hindi naman binanggit ni Vergeire, kung ang indibidwal na nag-administer ng pagbabakuna ay kanilang isa-sanctioned.


Gayunman, sa updated social media post ng indibidwal na nag-upload ng video, ayon sa kanya natanggap na niya ang booster shot, at hinimok ang publiko na itigil na ang pag-criticize sa nasabing health worker.


Samantala, nakapagtala na ang bansa ng 56.8 milyong fully vaccinated individuals, habang 59.6 milyon ang nakatanggap ng unang dose.


Habang halos 5.7 milyon booster shots naman ang na-administered hanggang nitong Huwebes.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page