top of page
Search
BULGAR

Video, in-upload sa IG… TROY, NAAKSIDENTE SA CAR RACING

ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 11, 2024



Photo: Troy Montero - Instagram


Naaksidente si Troy Montero sakay ng kanyang racing car. Nakaligtas naman ang aktor, though nawasak ang unahan ng kanyang racing car. 


Nagpasalamat naman ang mister ni Aubrey Miles dahil hindi raw siya gaanong nasaktan.

Ini-upload ni Troy ang kuhang video ng actual incident sa kanyang Instagram (IG) page.


Aniya, “I had a pretty big crash this morning…I’m OK, I got the wind knocked out of me but my car is not in good shape.


“It’s gonna take a miracle for the boys to fix it in time for today’s race. I’m not even sure it’s possible but the team said they will try their best… Again, I’m OK.” 


 

KUNG ano ang haba ng pag-amin ng ex-boyfriend ni Sue Ramirez na si Javi Benitez sa kanilang breakup issue, may posted din ang aktres pero tatlong salita lamang.


At hindi ang pagbibigay ng detalye hinggil sa kanilang breakup issue ang post ng aktres kundi ang pakikipag-mingle niya sa mga kaibigan kung saan sila ay nasa Siargao.

Aniya sa caption: “I love life.”


Isa sa mga nagkomento ay ang aktor na si Marco Gumabao.

Simpleng “Hmmmmmmm,” na may kasamang like face emojis ang komento nito. 


Ang daming netizens ang pumick-up sa komento ng boyfriend ni Cristine Reyes na tila may alam daw sa nangyayari ngayon sa aktres.


Anila, “Hala, ikaw ha! Ano ‘yang comment na ‘yan?”


Kamakailan kasi ay naispatan sina Sue at Dominic Roque sa Siargao na magkasama.

Eh, best friend ni Marco ang ex boyfriend ni Bea Alonzo. 


Pareho namang hindi nagsasalita ang both parties involved. Sey ng mga netizens… 


“They deserved to be happy.”

“@gumabaomarco Bagay si Sue kay Dom.”

“@gumabaomarco itsika mo na, dali!”

“Mukhang may alam sa friend niya.”

@gumabaomarco daming meaning ng hmmm, Dom and Sue.”

“Sana true, deserve ni Dom sumaya at ikaw din. Naku, ‘wag du’n kay ex, like father, like son.”

“Isama mo sa pic si Doms.”

“Hahaha! Loving this unbothered baby girl (Sue).”

“Yeah, 4 months na silang wala ni Javi.”


Kaya pala wala nang ingay ang relasyon nina Javi Benitez at Sue Ramirez, apat na buwan na pala silang hiwalay. Mahirap talaga ang long-distance relationship, eh. 


 

Ganern, Bea? 

“EVERYONE IS GOING TO HURT YOU. YOU JUST HAVE TO FIND THE ONES WORTH SUFFERING FOR” — DOMINIC



May ibinahaging quote si Dominic Roque hinggil sa sitsit na nali-link ang kanyang pangalan kay Sue Ramirez.


Hot topic ngayon ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo dahil sa kanila ni Sue na break na pala sa pulitikong boyfriend na si Javi Benitez. Viral kasi ang kissing video nila ni Sue na kuha sa isang bar sa Siargao, kung saan kasama ang kanilang mga kaibigan.


Binigyan ito ng ibang kulay ng mga nakapanood sa video, pero ayon naman sa iba, isa umano itong dare mula sa mga kaibigan.


After ng viral kissing video nina Dominic at Sue ay naglabas ng statement si Mayor Javi kung saan kinumpirma niya ang breakup nila ng actress. Aniya, apat na buwan na raw silang hiwalay ni Sue.


Limang taon din ang kanilang naging relasyon at bina-value raw niya iyon.


Ang wish pa niya sa ex-girlfriend ay the best for Sue and that she would be happy.


Sa Instagram (IG) Story naman ni Dom ay may meaningful quote siya, saying, “The truth is, everyone is going to hurt you. You just have to find the ones worth suffering for.”


Sa ngayon, parehong dedma lang ang dalawa sa kissing video nila at kung ano nga ba ang real score sa kanila.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page