top of page
Search
BULGAR

VICE, UMAMING NAETSAPUWERA SA TV5 ANG IT'S SHOWTIME DAHIL SA TVJ

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 29, 2023



Sa latest na panayam kay Vice Ganda ay ibinahagi nito ang nararamdaman nang malaman nilang damay ang kanilang noontime show na It's Showtime sa gulong kinakaharap nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ng TAPE, Inc. na siyang producer ng longest-running noontime show na Eat… Bulaga! na umeere sa GMA-7.


Dahil sa pagkalas ng TVJ sa TAPE noong May 31, 2023, nagsulputan agad ang usap-usapang baka sa TV5 na mapapanood muli ang tatlong veteran TV hosts, sa bago nilang noontime show kasama ang mga ‘legit’ Dabarkads, na ibig sabihin ay maeetsapuwera ang It's Showtime sa 12 NN timeslot sa Kapatid Network.


Sa kanyang YouTube vlog na inilabas noong Martes, June 27 nang gabi, isinalaysay ni Vice ang mga kaganapan hinggil sa desisyon ng TVJ na iwan ang TAPE pagkatapos ng mahigit apat na dekada.


Sabi ng TV host-comedian, “Nagsimula ‘yan, nabasa ko sa Twitter. Umugong na siya, eh, bago pa kami kausapin.


“Tapos, I was going to the States for a concert tour that time. But before I left, tinawagan ko si Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN's Chief Operating Officer for Broadcast], tapos tinanong ko siya na, ‘Tita Cory, may mga ganitong chika, totoo ba ‘to?’


“Tapos, sabi ni Tita Cory, ‘Don’t worry, kasi wala pa namang nakikipag-usap sa amin, saka hindi pa naman kami sinasabihan ng TV5. So there’s no truth to that. So, kung anuman ‘yung nabasa mo, walang anything.’"


Kaya nawala na raw ang kaba niya at kumalma na.


Kaso, nu'ng concert daw niya sa Araneta Coliseum nu'ng June 2, nagkakagulo na at gusto na sana siyang kausapin ng management. Kaya lang, baka makaapekto nga sa performance niya kapag sinabi sa kanya ang tungkol dito bago ang concert.


So, last minute raw ay kinansela ang meeting nila para sa bagay na 'yun.


Linggo, June 4, tumawag ang head writer ng It's Showtime kay Vice at sinabi ang umuugong na balitang kakanselahin na raw ang blocktime deal nila sa TV5. Pinakalma ni Vice ang head writer dahil sa pagkakaalam niya ay wala itong katotohanan.


Lunes, June 5, binigyan ng management ng tatlong araw na break si Vice para maka-recover ang kanyang boses.


Pero tinext daw siyang pumunta ng ABS-CBN para sa isang meeting. Nagtaka si Vice dahil break niya dapat 'yun.


“Tapos ‘yun na, kinausap na kami. Ako muna ‘yung unang kinausap. Sabi, ‘Sa ‘yo muna namin sasabihin, tapos hihingin namin ang thoughts mo bago namin kausapin ‘yung mga co-hosts mo.’


“Those people who were talking to me were all very emotional. Tapos ako, ang weird, kasi wala akong masyadong emosyon.


“Sabi ko nga, ‘Siguro high pa ako kasi galing ako sa concert.’ Tapos, sinabi ko, ‘Okay.’ Tapos sinabi sa amin, ‘May ganito, baka i-move tayo sa 4:30 PM. Kung sa ‘yo, okay ka ba?’


“Sabi ko, ‘Personally, ayoko sa 4:30 PM timeslot kasi It’s Showtime is a noontime brand. It will destroy the brand. Kung dati, nausog tayo, naging 12:30, naging 12:45, okay pa ‘yun kasi pasok pa siya sa noontime. Pero kung 4:30, hindi na siya noontime,” katwiran ni Vice.


Pero dahil hindi naman daw siya ang may-ari ng It's Showtime at isa lang din siya sa mga hosts nito, nagpasabi rin naman si Vice na kung anuman ang maging desisyon ng management, sasama pa rin siya sa show.


Ayon kay Vice, marami na silang pinagdaanan, kung saan dati ay sa YouTube lamang sila napapanood bago pa nagbukas ang pinto ng A2Z, Kapamilya Channel at TV5 para sa kanilang programa.


“So, sabi ko sa kanila, ‘What else can hurt us?’”


Ang masakit lang daw ay 'yung makita nila ang mga staff nilang malungkot at nag-iisip kung may trabaho pa ba sila.


“Sabi ko, ‘Siyempre, since ginagawa n’yo akong leader nitong programang ‘to, the queen must not be the weakest. I cannot be the weakest, ‘di ba? You don’t call me the queen for nothing.


The queen must hide her wounds and endure.’


“Nasasaktan ako pero hindi ko ‘yun ipapakita sa kanila nang tahasan kasi manghihina sila.


Ang ipapakita ko sa kanila ay ‘yung lakas, ‘Dito kayo kumapit, kapit-kapit tayo rito.’”


Hindi raw lubos-maisip ni Vice na sa gitna pala ng giyera sa pagitan ng TVJ at TAPE ay ang It's Showtimeang labis na maaapektuhan.


“Alam mo ‘yung nararamdaman na parang tayo ‘yung naging casualty ng problema nu’ng TVJ at Eat… Bulaga!. Sabi ko, ‘Parang tayo ‘yung tinamaan nu’ng mga kanyon na ibinala nila.’ ‘Yun ang unang naramdaman namin."


Pero hindi naman daw niya sinisisi ang TVJ kung nawala man ang IS sa TV5.


"Kasi lahat naman kami, gusto lang magtrabaho. Lahat naman kami, may ipinaglalabang bahay. Lahat kami, may ipinaglalabang programa. Lahat kami, may ipinaglalabang audience na gustong pagsilbihan.”


Kaya simula sa July 1, sa GTV na nga mapapanood ang It's Showtime at katapat nila ang bagong noontime show ng TVJ sa TV5.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page