ni Beth Gelena @Bulgary | Abril 15, 2024
Isang netizen ang nagsermon kay Vice Ganda sa ‘pananakit’ umano niya kay Anne Curtis.
Hindi napigilan ng netizen na nanood ng It's Showtime last Saturday ang mag-react sa 'physical hosting' ng It’s Showtime hosts na pinangungunahan nina Vice, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Anne, at iba pa.
Sa kanyang X account, inilabas nito ang kanyang saloobin nang mapanood ang clip ng pagkukulitan nina Vice at Anne sa noontime show.
Ayon sa netizen, wala namang problema sa asaran at kulitan nina Vice at Anne, ngunit huwag naman daw sanang may kasamang pananakit.
Sa segment ng show na Tawag ng Tanghalan, sinabunutan umano ni Vice si Anne.
“Ok lang 'yung magbuwisitan at asaran pero 'wag mong pisikalin si Anne, Meme, respect mo pa rin pagiging babae niya.
“I have watched one time sa Tawag ng Tanghalan, biniro ka ni Jhong, may inilagay sa buhok mo, tapos bigla mong sinabunutan si Anne, napagbintangan mo siya. Respect mo pa rin siya,” sey pa ng netizen.
Mabilis namang sumagot si Meme Vice sa nangangaral na netizen. Aniya, nagkakaintindihan sila ni Anne.
“Kami po ang may relasyon kaya kami po ang magde-decide kung paano kami maghaharutan. Iba-iba po ang dynamics ng mga magkakaibigan,” sagot nito.
Nag-react din ang madlang pipol sa sagot ni Vice sa netizen.
“Almost 15 yrs. na kayong magkaibigan at naghaharutan ni Anne, ngayon ka lang in-inform kung pano mo siya haharutin nang tama sa panlasa nila,” wika ng isang netizen.
Sey ng isa pa, “First time yata makapanood ng Showtime physical hosting na pre-pandemic pa uso.”
“Yes.. Alam po nila limit nila. They have so much respect for each other and 'pag 'yung time na nao-over, nag-uusap sila sa backstage kaya nga 'di ba, mahabang mag-message si Anne?” paliwanag naman ng isa.
Comments