ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 5, 2024
Nagbubunyi ngayon ang buong Pilipinas dahil sa malaking karangalang ibinigay sa bansa ng atletang si Carlos Yulo matapos makamit ang gold medal sa men’s floor exercise ng Olympic Games sa Paris.
Halos lahat nga yata ng tao ay nag-post sa kani-kanilang social media accounts para magpahayag ng pagbati kay Yulo kabilang na nga ang mga pulitiko at celebrities.
Isa sa mga nakakatuwang congratulatory messages na nabasa namin ay mula kay Vice Ganda.
Sa kanyang X (dating Twitter) account ay nagpasalamat ang Unkabogable Star kay Carlos sa karangalang ibinigay nito sa bansa.
“Congratulations Carlos Yulo for bagging the Gold in Men’s Floor Exercise!!! Maraming salamat sa karangalang ibinigay mo sa Pilipinas!” mensahe ni Vice sa gold medalist.
Ewan kung nagbibiro or what, inimbitahan niya si Carlos na magpunta sa bago niyang bar pag-uwi nito at libre na raw sa entrance ang atleta.
“Pag-uwi mo dumiretso ka sa Vice Comedy Club, libre ka na sa entrance, may kasama pang nachos at bottomless iced tea! Chozzzz!!!!”
Hahaha!
Ipinakilala na ang mga magiging coach sa kilalang spin-off ng world’s biggest singing competition, ang The Voice Kids, matapos i-announce sa Julie X Stell: Ang Ating Tinig concert ang pinakabagong coach na makakasama nila.
Magbabalik this season ang award-winning international singer, dancer at host na si Billy Crawford; multi-awarded at best-selling recording artist at Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose; at ang lead singer at choreographer ng pinakamamahal na P-Pop boy group na SB19 na si Stell.
At ang kukumpleto sa listahan ng roster of coaches ay ang leader, writer, at producer ng SB19 na si Pablo.
Lalong na-excite ang Kapuso viewers matapos malaman na dalawang miyembro ng sikat na P-Pop boy group na SB19 ang kasama sa The Voice Kids.
Kahit preggy sa first baby nila ni Zanjoe Marudo, todo-exercise pa rin si Ria Atayde para mapanatili ang pagiging fit and healthy.
Sa Instagram (IG), ipinakita ng aktres ang kanyang work-out routine for strength training habang nagdadalantao at nilinaw na may approval ito ng kanyang doktor.
“One of the biggest struggles throughout my pregnancy has been my mental state and body image. Imagine, working so hard to get to a certain level of fitness (even if it wasn’t enough for some, it was for me, Haha!) only to gain all that weight back,” ani Ria.
Sey pa niya, “Nagdala pa ng friends, family and neighbors nila 'yung balikbayan weight ko.”
Kaya naman need niya raw talaga i-manage ang kanyang katawan lalo na nga’t preggy siya.
“So to help me manage this and to help me constantly remember that it’s all part of the process, I continued to work out (with the approval of my OB, of course).
“So, let me share with you what it’s like to do strength training while pregnant,” saad pa niya.
Wala naman daw dapat ipag-alala dahil sinisiguro naman daw niyang sinusunod niya ang bilin ng doktor.
“I make sure I only hit a 120 bpm heart rate maximum — doctor’s orders,” aniya.
Payo pa niya sa mga buntis ding katulad niya, “If you’re an expectant momma like me, be kind to yourself. We are growing human beans inside of us, after all.”
Comments