ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 5, 2025
Photo: Vice Ganda - FB
Nakalibot na ang Sexy Babe contestant ng It’s Showtime (IS) na si Heart Aquino sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Manila kahapon.
Inilibot si Heart ni Comelec Chairman George Garcia kasama ang iba pang opisyales ng ahensiya.
Ito’y matapos ngang mag-viral ang naging sagot ng contestant sa IS segment na wala siyang alam tungkol sa COMELEC nang matanong ng host na si Vice Ganda kung ano’ng masasabi niya tungkol sa ahensiya.
Iba-iba naman ang reaksiyon ng mga netizens sa pag-tour ng Comelec sa IS Sexy Babe contestant.
Sey ng isa, “This is absolutely ridiculous. Hindi ito ang solution sa educational crisis na meron tayo. Sana may ibang plans para ma-reinforce ang social awareness sa mga kabataan.”
Komento naman ng iba pa, “Dapat pagkatapos ng tour sa COMELEC, may pa-exam! Nang malaman natin kung may natutunan man lang, ‘noh?”
“Sumikat si Accla. LOL (laugh out loud).”
“‘Yung kailangan ka pa i-tour talaga because of ya stupidity, Huhuhu!”
Pinuri naman ng mga netizens ang ABS-CBN at It’s Showtime.
“At ‘yan ay nang dahil sa Showtime, kaya maganda talagang manood ng Showtime, hindi lang s’ya puro patawa, may mga aral at turo ka rin na makukuha.”
“Hahaha! iba talaga magpa-trend ang ABS-CBN, aminin n’yo na!”
“Thank you ABS-CBN, It’s Showtime!”
Samantala, naghayag ng kanyang pag-aalala ang IS host na si Vice Ganda sa educational crisis sa bansa ngayon.
Pahayag ni Vice sa live episode ng IS last Monday, “May educational crisis sa Pilipinas na dapat nating i-address. Gaano na kalaki ‘yung crisis na ito for now?
“Kaya magandang napag-uusapan natin. Alam mo, ‘yan ang napakagandang nangyari for me. Hindi man masyadong masaya, pero at least it started a conversation.”
So, true.
Comments