top of page
Search
BULGAR

Vice, kaya nagsalita na… IT'S SHOWTIME, HANGGANG DECEMBER NA LANG DAW SA GMA-7

ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 14, 2024



Photo: It's Showtime sa GMA - Vice Ganda / IG


Nagsalita na si Vice Ganda hinggil sa demolition job sa It's Showtime.

Ani ng IS host, “Kaming lahat, sa dami ng pinagdaanan namin, I believe that our team is strong enough to be able to battle all these negativities, all these challenges and threats together.”


Aniya, may gusto umanong sumabotahe sa kanilang noontime show.

Kung anu-ano raw intriga ang nagsisilabasan tungkol sa kanilang programa at sa mga hosts simula nang mag-prepare sila ng kanilang inihahandang performance para sa Magpasikat na taun-taon nilang ginagawa. 


Tutungtong na kasi ang programa sa kanilang ika-15 anibersaryo.

Ang mga hosts ng IS ay sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Ogie Alcasid, Ion Perez, Kim Chiu, Ryan Bang, Jugs & Teddy, Cianne Dominguez, Lassy Marquez, Jackie Gonzaga, Darren Espanto at Anne Curtis.


May lumalabas na hanggang December 2024 na lang daw mapapanood sa GMA-7 ang programa matapos nitong umere sa Kapuso Network noong April 6.

May intriga ring lumabas tungkol kina Vice at Ion dahil sa umano'y nabuntis ni Ion ang co-host nilang si Jackie, na pinabulaanan na ng dancer/host. 


Dahil sa hindi matapus-tapos na isyu sa kanilang programa, nagsalita na si Vice.

Wika niya, “Well, there really was or there really is a demolition job against It’s Showtime.


“Pero ‘di naman natin sasabihin kung kanino nanggagaling ‘yun. ‘Yung ginagawa sa social media, demolition job ‘yun, ‘di ba?


“‘Yung mga trolls, demolition job ‘yun, eh. Meron silang masamang intensiyon at balak kaya demolition job ‘yun.


“Maaaring kami ay may kakayahan o nasa isang posisyon na gustong maranasan at makuha rin ng iba. At para makuha nila ‘yun, kailangan nilang subukan ‘yung ganoong ruta. Kailangan nating gumawa ng ganoong paraan baka sakaling mabasag at makuha natin kung ano’ng meron sa kanila.”


Patuloy pa niya, “We just have to deal with it and we just have to keep on going.

“Ang maganda kasi, we are surrounded by great people, wonderful management, alam na alam nila kung paano kami tutulungan, i-guide, at itatayo.


“Kaming lahat, sa dami ng pinagdaanan namin, I believe that our team is strong enough to be able to battle all these negativities, all these challenges and threats together.


“It will be hard kung ‘di kami magkakasama, kaya ‘yun ang lagi naming ipinananatili at itinatawid.”

Komento ng mga netizens:


“Pansin ko nga rin, biglang labas ng mga fake issues ahead of their anniversary.”

“Hindi naman yata totoo na nabuntis si Jackie ni Ion.”


“Ano bang issue, bakit may paganyan na eme? ‘Yung kay Vhong ba ‘yan. Ang OA, ha?”

“Obvious naman na meron, sunud-sunod mga issues. Hiwalayan, third party, nabuntis kahit napakaliit na mali, pinapalaki ng mga trolls. Tutok talaga sila sa show.”

“‘Pag nasa taas ka talaga, maraming inggit! God bless you more, It’s Showtime


 

Sa latest interview kay Sugar Mercado, nakumusta ang relasyon nila ng TV host na si Willie Revillame na matagal nang nali-link sa kanya.


Kamakailan lang ay may lumabas na isyu na matagal na raw may relasyon ang dalawa, seven years na. 


Ayon sa dating co-host ni Kuya Wil, “Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ‘yun, eh. Saka basta okey kami, ‘wag nang palakihin. Okay kami ni Kuya Wil.” 


Grateful daw siya dahil isa siya sa maraming natutulungan ng TV host. Mahal daw niya ang mga taong tumutulong sa kanya. At si Kuya Wil daw ang isa sa mga tumulong sa kanya when she was struggling.


Well, ngayong tatakbong senador si Kuya Wil, tutulungan ba niya sa pangangampanya ang TV host?


Safe ang kanyang sagot, she will be where she can earn money, and she’s just being practical as a single mother.


Ang mensahe niya sa TV host, “Nasaksihan naman natin lahat. ‘Di lang ako ang natulungan niya, guys, maraming mahihirap. At saksing-buhay din ako sa mga natulungan n’ya. 


“Hindi lang po ako, uulitin ko. Saksing-buhay tayong lahat na tumutulong talaga s’ya sa mahirap. Kung ako ang tatanungin, iboboto ko s’ya.”


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page