top of page
Search
BULGAR

Vice Ganda, nagsalita na sa ‘di natuloy na concert para sa Pride Month

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 25, 2024



News


Naging bukas ang TV host na si Vice Ganda sa kanyang naramdaman matapos malamang hindi tuloy ang concert sa dapat sana'y Pride Parade Night na gaganapin sa Quezon City dahil sa masamang lagay ng panahon.


Pagbabahagi ni Vice, talagang excited siya sa nasabing event dahil itinuturing niya raw itong premiere night ng kanyang sariling pelikula.


Mas ramdam niya rin ngayon ang kagustuhang magbahagi at magbigay mensahe sa nasabing event dahil iba na raw ang impact sa kanya ng adbokasiya ng komunidad na kinabibilangan niya bilang indibidwal.


Pag-amin ni Vice, talagang pinaghandaan niya at ginastusan ang naudlot niyang performance dahil hindi basta concert para sa kanya ang Pride kundi isa ring protesta.


Naging positibo pa rin naman ang TV host kahit na nanghinayang siya dahil may guest pa raw siyang parte rin ng LGBTQIA+ community.


Sey nga ni Vice, mas mahalaga pa rin naman daw ang buhay ng bawat indibidwal na posibleng malagay sa kapahamakan kung sinubukang ituloy ang event sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.


Maraming netizens naman ang natuwa dahil sa positibong approach ni Vice sa pangyayari at may mga tagasuporta nito ang nagsabing mahalaga raw na mas binigyang pansin at halaga ng host ang mga buhay ng mga dumalo na kasama niya sa laban at protesta.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page