top of page
Search

Vice, Baron at Mon, nabiktima, no show din… RUFFA, TUMANGGING DUMALO SA SENATE HEARING SA FAKE NEWS

BULGAR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 27, 2025



Photo: Ruffa Gutierrez - IG


Inamin ni Ruffa Gutierrez na naimbitahan siya ng Kongreso na dumalo sa ‘fake news’ hearing, pero nilinaw niya na magalang niya itong tinanggihan.

Inihayag ito ng aktres sa kanyang Facebook post last Monday at ipinaliwanag niya kung bakit hindi siya nakadalo.


“To my concerned friends and fans who have been reaching out—yes, I was invited to attend this hearing but politely declined, not only due to a prior commitment but also because I choose not to be politically involved, even as I remain a target of fake news and misinformation,” saad ni Ruffa.


“At the end of the day, truth prevails. I remain dedicated to my work in the entertainment industry, which I truly love, with grace and purpose. 


“Let’s focus on what truly matters—integrity, growth, and the things that bring light into our lives (heart emoji). Have a blessed Tuesday!” pahayag pa ni Ruffa.


Ang imbitasyon na tinutukoy ng aktres ay para sa pagdinig na isinasagawa ng House Tri Committee hinggil sa paglaganap ng fake news sa bansa.


Last Friday, March 21, nagkaroon na ng joint inquiry sa Kongreso ang Committees on

Public Order and Safety, Information and Communications Technology, at Public Information.


Ito’y sa pangunguna ni Santa Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, na siyang nagsilbing lead chairperson ng Committee on Public Order and Safety.


Isa si Ruffa sa mga celebrities na naimbitahang dumalo, kasama sina Vice Ganda, Baron Geisler at Mon Confiado na ilan lamang sa mga artistang nabiktima na ng ‘fake news.’

Tulad ni Ruffa Gutierrez, hindi rin nakadalo ang mga personalidad na nabanggit sa hearing.


 

NAGING emosyonal ang baguhang aktres na si Ma. Sabrina Telan Sablan matapos mapanood ang kanyang kauna-unahang pelikula na Lako sa ginanap na technical preview last Sunday.


Si Sabrina ang bida sa naturang short film intended for the 1st FAMAS Short Film Festival at hindi niya napigilang mapaiyak dahil sa sobrang kasiyahan na may pelikula na siyang maipagmamalaki sa kanyang pamilya.


“Gusto ko po kasi to make my parents proud, of course, as their bunso. Medyo naiiyak ako kasi it’s also my mom’s dream na maging artista po talaga (ako), na maipalabas po sa isang sinehan. 


“So, in every scene po, I poured my heart, may passion talaga, to make you guys proud din, hindi lang sa family ko but to everyone po para mabigyan po talaga ng justice itong story na ‘to,” sey ni Sabrina sa ginanap na Q&A after the preview.


In fairness kay Sabrina, talaga namang nakaarte siya sa pelikula at hindi na kami nagtaka nang sabihin niyang bata pa siya ay sumailalim na siya sa acting workshop sa Star Magic at hanggang ngayon daw ay hinahasa pa rin niya ang sarili sa acting.


Ayon naman sa direktor na si Jebie Fortuno Reyes ay personal choice niya si Sabrina dahil fit na fit daw ito sa lead character na si Lyka Dumasupil, bukod pa nga sa gusto niya itong bigyan ng break gayundin ang iba pang kasamang support sa movie.


As for Direk Jebie, marami na rin siyang nagawang shorts and independent films pero aminado siyang ang kinikita niya ay hindi sapat para mabuhay ang kanyang pamilya kaya nag-focus muna siya sa mga digital advertisements.


“This year, sobrang nagustuhan ko ang pagpasok ng taong ito, kasi ipinag-pray ko s’ya. Sabi ko, ‘Lord, kung para sa ‘kin ‘yung paggawa ng pelikula, ibibigay N’yo sa ‘kin this year,’” kuwento ng filmmaker.


Kaya naman thankful siya sa producer ng Lako for giving him the opportunity na maipakita ang talento niya sa paggawa ng pelikula.


Nagustuhan namin ang pelikula na kahit 20 minutes lang ay napakaraming natalakay na social issues tulad ng bullying, war on drugs, single parenthood and economic struggles, poverty at marami pang iba. 


When asked kung may plano bang gawin itong full-length film, ayon kay Direk Jebie, ang goal muna niya ngayon ay makapasok sa festival.


Samantala, kasama rin sa movie ang batikang aktres na si Sue Prado na gumaganap na ina ng karakter ni Sabrina.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page