ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 17, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_08df4708041148cc9b69a077f5ee94b7~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_08df4708041148cc9b69a077f5ee94b7~mv2.jpg)
Pahinga muna si Vice Ganda sa pagsali sa Metro Manila Film Festival ngayong December 2023, ayon kay Ogie Diaz.
Ito umano ang nabanggit ni Vice nang mapadalaw si Ogie sa noontime show na It's Showtime.
Gayunpaman, hindi pa umano huli ang lahat kung sakaling magbago ang isip ni Vice at lumahok pa rin sa MMFF 2023.
Nagkaroon ng pagkakataon si Ogie na kumustahin si Vice at nausisa umano niya ito tungkol sa inaasahan ng mga viewers na movie entry nito sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.
Subali’t ayon sa It's Showtime host, tila gusto niya munang magpahinga sa pag-join sa MMFF ngayong taon.
Pagbabahagi ni Ogie, “Hindi muna siya sasali sa Metro Manila Film Festival. At kung siya ang papipiliin, gusto muna niya ang play date na November. Just like before na November 30 yata ipinalabas ‘yung isang movie niya na tumabo sa takilya.”
“So, hintayin natin, baka may changes pa rin naman ‘yan,” dagdag pa niya.
Sabagay, may oras pa naman para makapag-submit si Vice ng kanyang movie entry para sa nasabing film festival.
Apat na pelikula pa lang ang in-announce ng pamunuan ng MMFF bilang mga official entries. May apat pang slots, na ang last submission ay sa September 29, kung hindi kami nagkakamali.
Comments