ni Melba Llanera @Insider | Jan. 9, 2025
Ngayong extended ang 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) hanggang January 14, mas malaki ang tsansa na makabawi ang mga producers sa laki ng production cost na nagastos nila sa mga official entries sa taunang film festival.
Nangunguna pa rin ang And The Breadwinner Is (ATBI) na pinagbibidahan ni Vice Ganda.
Nang makapanayam namin ang TV host sa nakaraang Gabi ng Parangal noong December 27, ayaw pang i-claim ito ni Vice dahil hindi pa naglalabas ang MMFF ng official gross. Pero nakarating sa kanya na puno ang mga sinehan at sold-out ang mga screenings.
Inamin naman niya na hiniling niyang mag-No. 1 sila, pero hindi inasahan dahil hindi niya puwedeng iutos sa mga manonood kung sino ang gustong panoorin ng mga ito.
Ayon kay Vice, hiniling niya ito para mapanood ng mga tao ang sama-sama nilang effort para makapagpalabas ng isang magandang pelikula.
Maikokonsidera namin na ito ang pinakamagandang pelikula na nagawa ni Vice dahil bukod sa maganda ang istorya at may kurot sa puso, mahuhusay ang mga gumanap dito — mula kina Vice, Malou de Guzman, Gladys Reyes, Jhong Hilario, Maris Racal at marami pang iba.
Kaya ayaw panoorin…
TOPAKK, HOLD ME CLOSE AT MY FUTURE YOU, MAS MAHAL NG P200 ANG TIKET KESA SA MMFF MOVIE NINA VICE, ATBP.
HANGGANG ngayon nga ay usap-usapan pa rin ang hindi pagkaka-nominate nina Aga Muhlach at Direk Dan Villegas ng Uninvited, maging nina Direk Jun Lana at Eugene Domingo para sa pelikulang And The Breadwinner Is (ATBI) sa mga kategoryang dapat sila na-nominate.
Kinlaro na rin naman ni MMFF Chairman Romando S. Artes na wala silang kinalaman sa naging resulta ng mga nanalo o sa linya ng mga nominado dahil sakop ito ng jury ng MMFF at wala silang kontrol ditoa noong nanood kami sa ilang sinehan, nakalagay ang mga pelikulang Topakk, Hold Me Close (HMC) at My Future You (MFY) sa Director’s Club, kung saan ang halaga ng ticket ay nasa P590 kumpara sa regular theaters na P390 lang na pinagpapalabasan ng ibang MMFF entries.
Hindi biru-biro ang dagdag na P200 para makapanood ka ng isang pelikula, kaya’t hindi kataka-taka kung mas pilahan ang mas murang ticket kahit pa gustong panoorin ng iba ang mga pelikulang nasa Director’s Club.
Nawa’y magawan ito ng paraan ni MMFF Chair Artes, lalo’t sa panayam namin sa kanya ay nabanggit niya na may kontrol sila kung ano’ng mga pelikula ang dadagdagan at babawasan.
Hiling namin ay mabigyan sana ito ng karampatang aksiyon nang makabawi-bawi naman ang ibang MMFF entries.
BAGO pa man ang Gabi ng Parangal ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), nainterbyu na namin si Ms. Vilma Santos thru Messenger.
Tinanong namin ang Star for All Seasons kung may pressure ba sa kanya na mahuhusay ang mga aktres na kalaban niya sa Best Actress category tulad nina Lorna Tolentino, Aicelle Santos, Julia Montes, at Judy Ann Santos, na siya ngang nag-uwi ng award nu’ng gabing iyon.
Para sa Star for All Seasons, kapag may ginagawa siyang role sa ngayon ay hindi niya iniisip kung panlaban ito o hindi dahil ang pokus niya ay makapasok sa karakter na ginagampanan at maibigay kung ano ang hinihingi ng role.
Sa dami na ng awards at pagkilala na naipagkaloob kay Ate Vi, hindi na big deal sa kanya kung manalo o matalo.
Alam namin na sobra niyang naa-appreciate sa tuwing nananalo siya, pero alam din naman niya na kung ‘di papalarin na manalo ay hindi na ito para indahin o ikasama ng loob niya.
Kilala rin si Ate Vi na humble, mabait at marunong magpahalaga sa mga nagmamahal sa kanya.
Nu’ng Linggo ay dinalaw ni Ate Vi ang puntod ng namayapang Ed de Leon sa Mother Theresa Columbary sa La Loma. Si Tito Ed ang isa sa pinakamalalapit na reporters sa Star for All Seasons. Alam namin na masaya ngayon si Tito Ed dahil nadalaw na siya ng kanyang idolo at pinakamahal na artista sa buong industriya.