ni Lolet Abania | November 21, 2022
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_6b98303b5744417c81f7b5aae10371e4~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_6b98303b5744417c81f7b5aae10371e4~mv2.jpg)
Inilipat na si detained TV host at comedian Ferdinand “Vhong” Navarro sa Taguig City Jail ngayong Lunes, Nobyembre 21, 2022.
Ang pag-transfer kay Navarro mula sa National Bureau of Investigation (NBI) detention center sa Manila patungong Taguig City Jail ay order ng Taguig Regional Trial Court Branch 69, kung saan may hawak ng rape case na inihain laban sa kanya ng model na si Deniece Cornejo.
Nag-isyu ang court ng isang commitment order, na natanggap ng NBI noong Nobyembre 14. Si Navarro ay ide-detain sa Taguig City Jail Male Dormitory, na supervised naman ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), na matatagpuan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
May 993 persons deprived of liberty (PDLs) na nakadetine na sa Taguig jail facility.
Isang video mula sa ABS-CBN ang makikitang si Navarro ay nakasuot ng orange t-shirt at cap habang papalabas na ito sa NBI detention center kasama ang mga NBI personnel.
Comments