top of page
Search

VG Mark, pinatulan lang daw kahit masyonda dahil rich… “WHY WOULD I CHOOSE SOMEONE WHO’S NOT?” — AIRA

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 20, 2025




Sosyal ang Valentine’s Day nina VG Mark Leviste at Aira Lopez dahil sa Hong Kong sila nag-dinner. 


Sa reels post ni Aira, sabi nito, “He invited you for a Valentine’s day dinner, but in Hong Kong.”


Tinapos lang daw ni Mark ang mga kasalang bayan sa Batangas at lumipad na sila pa-Hong Kong at doon nga nag-celebrate ng kanilang first Valentine date.


Karamihan ay positibo ang comment sa relasyon nina Aira at Mark, pero may mga hindi pa rin makapaniwala.


Sa comment na baka may nakaraan si Aira na hindi maganda kaya pumatol sa older sa kanya na mayaman para tanggap at hindi basta-basta iiwan, may sagot si Aira. 


“Uy, Sir! I’d rather choose a mature, respectful, and smart guy than be with someone young but as nonsense as you. Kaso mukhang ‘di ka na rin nga young, eh! Wala ng natira #doublekill.”


In fairness, marami ang kumampi kay Aira at sinagot nila ang mga nagtataka at nagulat kung bakit nagustuhan niya si Mark. Pati si Mark, ipinagtanggol din ng mga netizens at ang payo nila sa mga nakikialam, pabayaan ang dalawa.

Dahil doon, may post si Aira tungkol sa couple na older ang isa na sa totoo lang, marami talaga ang mga comments.


Sabi ni Aira, “I don’t know why, until now, age gaps in relationships are still a big problem for people.


“Yes, there’s a 20-year age gap. But I’d rather choose a mature, smart, hardworking, and RESPECTFUL partner over someone my age who lacks the ability to treat a woman well.


“After all, drama and headaches often come with someone our age. Hahaha! #aminin.”

Sinagot din ni Aira ang comment na “Malamang mayaman kasi ‘yan (si Mark). EX ba naman ni Kris Aquino ‘yan, eh.”


Sagot ni Aira, “Kasalanan ko ba na maganda at niligawan ako?”

Sa isa pang humirit ng “You mean man with money?”


Sagot ni Aira, “I am proud to say that I’m financially stable, so why would I choose someone who’s not?”


Pinayuhan si Aira Lopez na ‘wag nang pansinin ang mga mean comments dahil lalo lang magpapapansin ang mga walang magawa. Magpakasaya na lang daw sila ni Mark Leviste sa kanilang relasyon.


 

Braso at kamay lang ang kayang i-post sa socmed… TOM, PURO PATIKIM LANG, ‘DI PA GAME ILANTAD ANG MUKHA NG BABY


Hindi pa ready si Tom Rodriguez na ipakita ang face ng kanyang baby, kaya braso at kamay na muna ang kanyang ipinost. 


Makikita sa braso at kamay ng baby na malusog ito at comment nga ng mga netizens, masarap papakin.


Sa Instagram (IG) Story ni Tom naka-post ang larawan ng braso at kamay ng baby niya na deleted na sa ngayon. Ang caption ni Tom sa kanyang post ay: “I love you, buddy.”

Pinagtatalunan ng mga netizens kung nasa bansa ba ang baby ni Tom at kung ganu’n nga, ibig sabihin, narito rin ang mommy ng bata. Curious na ang marami na makita ang baby at special someone ni Tom.


Napansin namin na okey na ang mga comments ng mga netizens lalo na kay Tom. Hindi na gaya ng dati na puro pamba-bash sa aktor, ngayon, mabait na ang mga tao sa kanya. 

Tanggap na rin nila ang nangyari sa personal nitong buhay at abangers na lang sila kung kailan ang face reveal sa baby ni Tom at sa mommy ng kanyang baby.


 

                                

HINDI lang pala pito ang magiging hosts ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition dahil may isa pang host. 


Ang teaser sa kanya ay “May Bagong TROPA si Kuya! Sino siya? Abangan!”


‘Kaaliw ang mga hula ng mga netizens sa pa-blind item na ito ng PBB. May humula na si Drew Arellano ito, at may nagbanggit naman ng pangalan ni Jason Gainza. May “Tropa ni Pablo” pa kaming nabasa.


Comment naman ng isang netizen, ang dami nang hosts ng PBBCE, paano pa raw sila pagkakasyahin?


May Robi Domingo at Bianca Gonzalez na at Gabbi Garcia na unang ibinalitang kasama, later on, ini-announce na hosts din sina Enchong Dee, Alexa Ilacad, Melai Cantiveros at Kim Chiu. 


May mga natutuwa naman sa maraming hosts dahil masaya raw tiyak ang PBBCE ngayon.

0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page