top of page
Search
BULGAR

Vaxx kontra-COVID-19 ng mga minors sa San Juan, kumpleto na

ni Lolet Abania | November 18, 2021



Ipinahayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora na natapos na nila ang pagbabakuna kontra-COVID-19 sa tinatayang 5,000 kabataan na edad 12 hanggang 17 kung saan umabot sa 235% ng kanilang target na populasyon.


Sa isang television interview ngayong Huwebes, sinabi ni Zamora na bukod sa mga batang residente ng San Juan, nakumpleto na rin nila ang pagbabakuna sa mga non-residents na nag-aaral sa lungsod na nag-register sa kanilang vaccination program.


Sa ngayon, ayon kay Zamora tumutulong na ang lokal na pamahalaan sa pagbabakuna ng mga minors na edad 12 hanggang 17 na mula sa ibang lugar.


“We are just waiting for the announcement, hopefully in the next few months, for the vaccination of those below 11 years old because this has already been done in the United States,” sabi ni Zamora sa isang interbyu.


Gayundin, sinimulan na ng San Juan ang pag-administer ng booster shots ng kanilang healthcare workers, kung saan umabot sa 400 ang nabakunahan nitong Miyerkules.


Sinabi rin ni Zamora na mayroong 1,200 medical frontliners na nagseserbisyo sa lungsod at 3,000 mula naman sa Cardinal Santos Medical Center.


“I’m optimistic [that] by the end of next week, we should be done with all of them,” ani pa Zamora.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page